Chapter 86

3.7K 142 49
                                    

May papasagutan ako dito sa chapters nato and pm mo ako agad.  First basahin niyo muna ang Authors note baka nandiyan.

A/N: Please please, huwag niyo kong e pressure dahil pumapangit ang ginagawa ko. Naiinis po ako sa ganoon, tsaka kinuha ko na pala ang babala sa ABANGAN dahil August may pasok na ako at baka busy na ako.

Lahat ng pictures ay nasa facebook account ko, search. Authoritical Writes. Kung magm-message kayo ay dito na lang sa wattpad.

Pasentabi na lang sa wrong spelling, grammar and errors, tao lang ako. Sa mga nakakaintindi, huwag kayong magdemand ng updates tinatamad ako pag ganoon hehehe! Ako parin naman ang masusunod e.

Thank you loves, don't forget to Follow, Comments and Votes. Sige e share niyo na lang rin sa mga kapwa ka wattpaders ninyo.

Enjoy reading...

Kiej's POV.

3 YEARS HAD PASSED.

Walang bumalik na Lhex sa General Trias, minu-minuto ko siyang hinihintay. Araw araw, buwan buwan at taon taon.

Pero wala.

Nasa bus station ako ngayon kung saan ay papaalis na ang isang bus papuntang Batangas. Magsisimula na ang bagong taon para sa pasukan, isang second year College na ako bilang isang Engineer.

Nanunuluyan ako sa Batangas, kung saan ay mas malapit sa unibersidad na aking pinapasukan. Hindi ako kumuha ng condo, dahil tumutuloy ako sa bahay ni Lolo. Busy siya sa LPU kaya doon na siya kay Mom and Dad, habang si Lola naman ay nanuluyan sa isang rehabilitation center.

Nakapagpyansa naman si Tito Loyd sa kaniyang pagkakakulong. Iniwan ko rin ang General Trias, at pumunta ng Batangas para magsimula. Noong unang taon ay di ko magawang magsaya, naalala ko parin ang araw kung paano ko takbuhin at abutin ang bus na sinasakyan niya.

Hinihintay ko siya sa Bus Station na 'yon, nagbabasakaling bumalik siya kinaumagahan.

Pero wala.

Sa ikalawang taon naman ay pinagtuunan ko ang unang taon para sa pagiging kolehiyo. Nanuluyan ako kay Lolo hanggang sa napagdesisyonan na rin nila Mom na pagkatiwalaan ako, naiintindihan nila ang sitwasyon.

"Sir Kiej, aalis na po kayo, Sir?" nagulat na sabi ni Ate Rose, na naglilinis ng bintana.

"Maaga naman talaga ako Ate Rose, umaalis ah?" nakangisi kong usal habang kumakain ng tinapay na pinaghanda ni Manang Silya.

"Oo nga Rose, anong nakakagulat roon?" nagtataka ring tanong ni Manang Silya sa akin, napangisi naman ako na nilalabas ang aking ngipin.

"Wala naman," natatawang sagot nito, "pagkita ko palang ng bumaba ka ay parang daig mo pa ang endorser ng toothpaste kung makangiti, Sir Kiej! meroon ka na bang girlfriend?" napaisip naman ako para hintayin nila ang sagot ko.

"Wala," natatawang tugon ko, para makahinga sila ng maluwag. "Makakahanap rin ako noon," may pagmamalaking sabi ko. Kinuha ko ang coffee at ininom, 'yon.

"Sir huwag na muna! hindi pa nahahanap ng asawa ko ang magiging nobya mo," araw araw ay laging sinasabi' yon ni Manang Silya, na huwag munang magnonobya hanggang sa di pa nakikita ng kaniyang asawa ang para sa akin.

Nakahanap rin ng mahahalin si Manang silya, dahil nagmahal muli ang kaniyang puso. Hindi mo madidiktahan ang puso minsan, natapos man sa isang tao ay ang puso parin ang makakaramdam kung sino muli ang mamahalin.

THE ONE WHO GOT ME - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon