Kiej's POV.
Tumama ang sinag ng araw para mapamulat ako, iniwasan ko 'yon gamit ang unan. Nagpalingon lingon ako para hanapin ang cellphone ko, pagtingin ko rito ay nasa 10AM. Naalala ko palang late na akong nakatulog kagabi dahil sa hinintay ko si Lhex kung pupunta siya sa kwarto ko. Hanggang sa inabutan ako ng umaga.
Napatayo ako at tiningnan ko ang itsura sa salamin, ngumiti ako. "Tssk tssk! Gwapo pa rin naman, HAHAHA!" kinuha ko ang towel tsaka pumasok sa cr para maligo, hindi ko maiwasang pamangiti. Dahil alam kong magkakasama na naman kami mamaya, kahit nasa kabilang kwarto lang siya ay para bang gusto ko araw araw siyang makasama o minu-minutong makikita.
Hanggang sa pag toothbrush ay napapangiti akong kakaisip. Matapos ko lahat ang paglilinis at ang pagbihis ay sumilip ako para makaalis sa kwarto. Masyadong tahimik ang itaas na bahagi, napalingon ako sa guestroom.
"BROTHER! GOODMORNING!" napalingon ako kay Ate Jas, na nasa likod ko at sumisilip rin sa pintong tinitingnan ko. Ngumisi siya nang nakakaasar. "Kaya naman pala HAHAHAHA!"
"Ate!"
"Don't worry brother, you're safe," napataas ang dalawang kilay niya. "sabayan mo kong kumain, natutulog pa si Lhex. Mamaya ka na manligaw sa kaniya, ha?"
"Sasabayan ko na lang siya!" angil ko.
"Brother, I need you." nakangusong sambit niya.
"fine, pag ikaw nang-asar bahala ka!" ngumisi siya at napatango. Napayakap niya ang braso ko at hinilig ang uluhan sa balikat ko. Nararamdaman ko noon na nagiging Ate siya o nagpapalambing, pero ngayon ay ramdam ko ang lungkot niya.
Tinungo namin ang kusina kung saan ay nakahain na ang pagkain, hinanda niya 'yon para sa aming dalawa. Nakakasiguro akong gusto niyang mag-usap kami at hinintay niya ako. Sa kabila siya puwesto at ako naman opposite side na magkaharap kaming dalawa. May extra plate rin ang nandoon na baka si Lhex ay magising. "Ano bang nangyari?" kumukuha siya ng pagkain.
"Ano.. Si C-Caleb," gumaralgal ang pagkasabi niya.
"what about him?" tinuon ko ang pagkuha ng kanin at ulam papunta sa plate ko.
"He's busy, and nakalimutan niya na ata na yayain ako?" napakunot kong binitawan ang aking kutsara at tinidor.
Hindi na sila bata at alam ko ang tinutukoy ni Ate Jas, Marriage. Nasa tamang edad na rin sila para pag-usapan ang mga bagay na 'yon, they're now stable to settle their own lives."Baka nagmamadali ka lang talaga, Ate?" napanguso naman siya.
"Look, nagmamadali? Brother, nasa tamang edad na kami for that."
"O baka naman kasi wala kayong oras para pag-usapan ang bagay na' yan," napalingon kaming pareho ni Ate sa kakarating lang ni Lhex, napaupo siya kung saan sa tabi ko na bakante.
Nakita ko na guilty si Ate sa sinabi nito, "Good morning," bati niya para magulat ako. Ang pagkasabi niyang kaswal lang para sa kaniya ay nagbibigay kabusugan na saakin sa buong araw. "I said, Good Morning,"
"Ahh.. Good Morning din," napaiwas ako at nilingon si Ate Jas na madaming iniisip.
"so wala nga kayong oras?" tanong muli ni Lhex sa kaniya.
"I guess? minsan lang kami nagkikita, may business meeting siya lagi outside. Pagniyaya ko naman siya ay laging off ang cellphone niya at minsan ang secretary ang nakakasagot. Mabuti na nga lang ay dumating siya kagabi kung hindi ay loner na naman ako," nagmamaktol na sambit nito."Busy rin naman ako, pero hindi ako tulad niya na oras o kahit ata minuto sa buong araw ay wala ako."

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Teen Fiction[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.