Kiej's POV.
HINALIKAN NIYA AKO SA LABI!!
Hindi ko alam bakit ganoon na lang ang pagbitaw ko sa guitara at hayaang nakasabit 'yon tsaka hinawakan ang dalawang pisngin upang simsimin ang labi niya.
I love her so damn much!
Ang paggalaw ng mga labi niya ay hudyat upang magpatuloy ako. Naghiwalay nang dahan dahan ang mga mukha namin, pero ang mga noo ay hindi parin makaalis. Ang mga ngiti sa labi niya at labi ko ay parang nag-uusap.
"Kiss muna bago sagot ha? New style of answering my proposal?" nakangiting sabi ko.
"Tss." Naitulak niya agad ako nang mahina dahil naasar siya. Hindi naman siya makawala dahil hawak ko na agad ang bewang niya. "Delabin, wala na tayong oras. Nanganganib na si Jan—" Tumawa ako nang malakas.
"Baby it's part of the plan," sagot kong natatawa sa kaniya upang kumunot ang kaniyang noo.
"Tumawag si Dad, Delabin. Paano masasabing part of plan? ano 'yon? pati si Dad kasabwat mo?" hindi makapaniwalang tugon niya.
"I guessed?"
"What?!"
"Oo nga." Hinawakan ko ang kamay niya.
Hawak ko na ang mundo ko.
"Sabihin mong nagbibiro ka lang, Delabin. Delikado ang lugar, wala ng oras para—" Nanlaki ang mga mata niya ng gawadan ko siya ng isang halik, dampi lamang 'yon upang tumahimik siya.
"Maniniwala ka na, Bal?"
Hindi naman siya nakasagot, binitawan ko ang kamay niya tsaka hinila ang upuan. "Bal?" tawag ko sa kaniya, sinamaan niya naman ako nang tingin hanggang sa makaupo siya.
Binigay ko naman sa kaniya ang bulaklak upang amuyin 'yon. Nilabas niya 'yon tsaka tumingin sa akin, pinagkrus ang dalawang kamay sa kaniyang dibdib at sinandal ang sarili.
"Sorry bal, kung umiyak ka at nag-alala," usal ko habang hinihiwa ang steak.
"Hindi na sana kita mapapatawad e, kaso wala e, talo agad," sumusukong tono niya.
"Mahal mo na ako?" Napahinto kong tanong sa kaniya. Napaiwas naman siya at tiningnan ang karagatan, nandoon ang reflection ng buwan.
"Hmm," sagot niya.
Gustong magpa-fiesta ng lahat ng mga system sa katawan ko dahil sa sinabi niya. "Paano?" nakangiti kong tanong sa kaniya.
"Hindi ko alam, pero isang araw nagising na lang ako na hindi ko pala kaya na hindi ka nakikita o nakakasama. Hindi ko na kaya wala ang hindi nakakaumay na pagmumukha mo—"
"Sabihin mo na lang kasing gwapo, ang dami pang sinasabi," pangangasar ko sa kaniya.
"Asa! feelingero mo," seryosong sabi niya.
Natawa naman ako. Binigay ko sa kaniya ang hinahating steak sa kaniya, nilagyan ko na rin ng mga wine ang wine glass namin. Kasabay ng magandang panahon ay nandito kami ngayon kumakain.
Kinuha ko ang cellphone ko."Picture-ran kita, Bal," sabay lapat ng camera.
"Huwag na."
"One picture lang," pagpapacute ko sa kaniya.
"Isa lang ha," sagot niyang nakataas pa ang hintuturo.
"Yes Baby Bal," tugon ko.
Tumingin siya sa dagat habang hawak ang wine glass na kunyaring iinumin niya ito, pina stolen ang style noon. Napangiti naman akong nakunan siya, kahit siguro magdamagan kong tingnan ang litrato ay hinding hindi ako magsasawa.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Ficção Adolescente[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.