Belle's POV.
Anong ginawa ko? Ang tanong na bumabagabag sa isipan ko. Ang isang tao ay hindi magagawa ang ganoong bagay kung walang pinaglalaban. Isa ako sa mga kasapi ng Hunters. Ang organisasyon kung saan ay tinutugis ng isang pamahalaan ng mga maharlika.
"Kuya, ayaw ko!" pagmamakaawa ko noon kay Kuya.
"Belle! Kailangan mong magpaiwan sa mga Martinez," umiiyak na sambit niya noong nasa limang taon palamang kami.
"Kuya, babalikan mo ko," umiiyak na sambit ko.
"Babalikan kita at sa balik ko sabay natin silang dudurugin," sabi nito.
Noong mga taong 'yon ay wala akong kaalam alam sa nangyari sa pamilya ko. Ang alam ko lang ay namatay sila, wala itong mga sakit. Hanggang sa kinupkop nga ako ng mga Martinez. Hindi madali ang kinalalagyan ko. Pinasok nila ako sa private school pero sa bahay naman ay tudo ensayo ako. Ginampanan ng pamilyang ito ang pangangailangan ko, lalo na ang pagiging malakas ko.
Pinakilala nila ako kay Kyla, kung saan ay naging katunggalian ko sa isang pagsubok sa martial arts. Sabay kaming lumaki, hanggang sa tumuon ang aming pansin sa pag-aaral at hindi sa martial arts. Noong sumapit kami ng 13 years old ay isa isa naming natuklasan ang lahat.
"Kaya niyong magpanggap, kaya niyo 'yan," ang sabi noong lalaki na Ama ni Luiz si Loyd Alcantara.
"Kaya niyong iparamdam sa kaniya na matalik kayong kaibigan. Iparamdam sa kaniya na hindi niyo alam ang tungkol sa pagkatao niya. Take it easy girls, I know you can do it," ang huling salita.
Naging palya si Kyla sa kaniyang ginawa dahil sa kaugalian ni Lhex. Pinakilala sa amin ni Loyd na siya ang tagapagmana ng dalawang katunggalian. Kung saan nasa kaniya ang dugo ng maharlika at pagiging malakas na mandirigma.
"Hindi ko na kaya 'to Belle," umiiyak na sambit ni Kyla.
"Nandito tayo! dahil sa misyon natin," sambit ko noon.
Alam kong napamahal na siya sa pagiging kaibigan nila ni Lhex. Sino ba namang hindi? Isa siyang mabait na taong nakilala. Kung saan ay hindi niya nakikita ang mali sa kapaligiran niya. Naging maobserba siya, ganoon na lang siguro ang kompyansa ko na akala ko'y hindi niya malalaman ang tungkol roon.
Gustong maggive up ni Kyla pero mabuti na lang ay agad kong sinabi kay Tito Loyd ang tungkol roon. Naging sunod sunuran ako sa kaniya, sa lahat ng bagay. Hanggang sa ako na rin ang malapit pumalya, walang araw na hindi ako umiiyak tuwing gabi sa kakaisip sa mga ginagawa namin kay Lhex.
Kung saan ay laging siyang nandiyan para sa amin sa lahat ng bagay. Kitang kita sa kaniyang mga gawa ang tunay na kaibigan at pagtitiwala sa amin. Umabot kay Kuya ang nangyayari sa akin sa mga ilang araw na 'yon.
"Belle!"
"Kuya, pagod na pagod ako! Wala siyang ginagawa!"
"Ysabelle, hindi mo alam ang sinasabi mo!"
"Then tell me everything! Ano? Nandito ako para sirain ang bahay niya na hindi alam ang dahilan?" umiiyak na tanong ko sa kaniya.
"Belle, nandito ka dahil kailangan mong gawin 'yon!"
"Kuya!" nagmamakaawang iyak ko na halos mapaluhod. "Hindi ko na kaya, walang ginagawa si Lhex para e ganoon ang buhay niya. Hindi niya deserve ang nangyayari sa kaniya at sa mangyayari pa," dahan dahan akong napaluhod sa kaniya.
Umupo siya upang hawakan ang baba ko. "Paano kung sabihin ko sayo ang tunay na rason bakit kailangan mong gawin to?" Doon ako napatulala sa sinabi niya. Ang rason na nalaman ko, kung saan ay nagpatuloy ako. Kung saan ay naging kasama ko si Kyla sa pagplano dahil sa nagawa ni Tito Loyd upang manumbalik siya.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Novela Juvenil[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.