Chapter 122

1.3K 114 45
                                        

Lhex's POV.

"Okay ka lang Frenny?" tanong ni Janeth sa akin.

"Hmm," sagot ko.

"Kasi ano.. kanina mo pa binabasa ang page na 'yan, nakakapagtaka lang na hindi mo pa nakuha," napangiwi pang sabi nito habang tinuturo ang libro ko.

"May binalikan lang ako," pagsisinungaling ko.

Weeks na rin pero lagi akong umiiwas para makasabay kay Janeth. Second semester narin pala, kaya naisipan kong umiwas na lang na maging blockmates sina Colline, Jia and Marvin. Nilagay ko ang sarili ko sa Evening class, dahil morning naman sila.

Mabuti na lang ay nakahabol pa ako. Alam ko kasing morning class ang kukunin ni Delabin. Good thing ay morning rin si Janeth, nahahalata niyang umiiwas ako sa mga pag-anyaya niya sa akin.

I need to save myself alone by not depending to anyone.

"Frenny sabihin mo nga, hindi ko na kayo nakikita ni Kiej myloves na magkasama. Anong nangyari?" tanong niya sa akin. Alam kong hindi ko maiiwasan ang tanong na 'yan, dahil nasa iisang apartment lang kami. "Naiintindihan ko pang evening class ang kinuha mo e! Baka may rason ka pang mahaba ang tulog na gusto mo o kaya gusto mong mag-aral sa umaga, pero Frenny hindi e! Umiiwas ka pag magkaanyayahan sa barkada."

"Nagkataon lang na busy ako Janeth," seryosong sagot ko tsaka tiniklop ang libro na nasa harap ko.

"Oh talaga? Hindi na nga pumupunta dito si Kiej, hindi ko rin nakikita na nagkikita kayo."

"Nasa kaniya 'yon kung pupunta siya rito, Janeth. Tsaka busy rin siya kaya naiintindihan ko," kaswal na sagot ko.

"Hindi e! Birthday niya kahapon!" Napalingon agad ako sa kaniya. November ang birthday niya? bakit hindi ko alam noon, mag ka same month pala kami. "Nako! Frenny, hindi mo alam 'yon? Kaya nagtataka na ako, nagkayayaan kaya sa isang resort. Marami ang dumalo, nandoon nga ang Mommy and Daddy niya e. Naipakilala kaming lahat, tapos hinanap ka. Hindi ko naman alam na hindi mo pala alam no? Tsaka! Boyfriend mo siya alam mo na dapat 'yon, sobrang busy karin kahapon dahil diba? may thesis kang ginagawa?"

Napapikit na lang ako sa inis. Matapos ang araw na'yon ay naisipan kong magbake ng cookies para sa kaniya. Kahit gabi na ay nag-over night ako para doon, habang may librong binabasa habang hinihintay na matapos itong maluto.

Hindi nga nakapagpaliwanag si Delabin at hindi na kami nag-uusap. Wala rin namag hiwalayan sa pagitan, pero umiiwas ako sa kaniya. Kung may oras siyang magpaliwanag, mahahanap siya. Kung may mga bagay na walang pagkakaunawaan sa amin ay agad naming aayusin.

Gusto ko siya mismo ang magsabi sa akin kung ano ba ang nangyayari. Hindi araw araw ay itatanong ko sa kaniya, kung gusto niyang sabihin alam kong noon pa.

"Wala kang kasama?" tanong ni Dom tsaka nilapag ang pagkain. Hapon na breaktime na namin, wala naman akong kasama kasi 2PM ay alis na ni Janeth.

"May nakita ka," kalmadong sabi ko tsaka hindi na lamang siya pinansin pa. Patapos na rin ako kaya tumayo na agad ako tsaka kinuha ang mineral water ko.

"Tapos ka na kaagad?"

"May kakainin pa ba?"

Napailing naman siya. "Sabayan mo ko," sabi nito na ngumunguso. Naalala ko naman si Delabin sa tuwing ginagawa niya 'yon.

"May gagawin pa ako," sambit ko tsaka tumalikod. Sa totoo wala naman akong gagawin, kailangan ko lang talagang umiwas sa mga tao ngayon.

Dumaan ako sa locker para tingnan kung nandoon si Delabin, pero malaman wala na siya doon. Kaya kinuha ko ang box na customize and may cookies na nilagay roon.

THE ONE WHO GOT ME - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon