Chapter 113

1.6K 117 42
                                        

Lhex's POV.

"Bal, no!" pagmamaktol ni Delabin dahil sa pinipilit ko siyang sumakay sa isang pansakayan ng bata sa isang game zone.

"Baby ka naman, kaya sige na," pinigilan kong hindi ngumisi o kahit tumawa man lang.

"What? Bal," nakakunot niyang noong sabi.

"Look o, wala siyang kasama." Sabay turo ko doon sa batang around 5 years old na pinabayaan ng kaniyang Mommy sa isang panda na sasakyan.

"Pinapain mo ko bal?" nakangusong usal niya.

"He looks sad," seryosong sabi ko.

"Then?"

"Then sabayan mo, Hi?" bati ko sa bata. Namula naman ang kaniyang pisngi na animoy iiyak siya, kaya hinatak ko na si Delabin papaalis roon. "Umiyak na, tara na," nakapulupot pa ako sa braso niya.

Natawa naman siya sa inasta ko. Baka kasi pagkamalan kaming inaway siya dahil umiyak, e kami lang naman ang nakasama niya habang 'yong Nanay niya ay nasa isang laro na pumapatay ng mga isda.

"Gusto mo bang turuan kitang mag-basketball?" tanong niya habang nag s-shoot roon, nasa gilid lamang ako habang kumakain ng donuts.

"Kaya kong maglaro," seryosong sagot ko.

"O talaga, Bal?" sabi niya na inilapit ang mukha sa aking mukha. Ito na naman ang nanginginit kong pisngi, upang turuin ko ang kaniyang noo at pinalayo siya.

"Ang init," usal ko habang pinapaypay ang sarili gamit ang kamay.

"Bal nasa Baguio tayo at nasa Mall, tapos naiinitan ka?"

Peste ka!!

Hinipan pa naman ako gamit ang nakangusong labi niya, hinarap niya pa talaga sa akin. Ang hindi niya alam kaya nanginginit ako ay dahil sa presensya niya.

Bakit ganito?!

Nenerbyos na ako sa tuwing siya na 'yong lalapit at makakasama ko. Hindi ko alam ang gagawin kaya inilapit ko ang donut na may kagat ko sa labi niya, upang mahinto siya.

"Tama na," seryosong sagot ko. Kinuha ko ang fruit shake na binili namin kanina tsaka tumayo at nakapamulsang umalis sa game zone.

"Bal, inlove ka na ba sa akin?" sumusunod na sabi niya sa akin. Halos pumitik na ang bituka at magbaliktaran na lahat. Ang ininom kong fruit shake ay gusto kong ibuga pero huli na kaya nabulunan ako.

Hinimas niya naman ang likuran ko upang mahimas himasan ako. Akala ko ay titigil na siya pero talagang ang kulit niya, hanggang sa umabot kami sa isang restuarant.

Inlove na ba ako sa kaniya?

Pinagmasdan ko naman ang server na humaharot pa. Wow te? Server ka o Maharot? Kulang na lang ay maihampas ko sa kaniya ang basong tubig na nasa harap ko ngayon.

Pag h'ndi to tumigil, asahan mong magliliparan ang dalawang baso sa pagmumukha niya.

"That's all Sir?" malanding tanong niya kay Delabin.

"Baka gusto mong umupo rito at ako ang mag-serve, try mo?" wala sa oras kong sabi, upang umawang ang labi niya at si Delabin na may natatawa. "What?" seryosong tanong ko sa kaniya upang mapaiwas siya pero nakangisi pa.

GOSH! Anong ginagawa ko?!!!

"Bal, mahal mo na ako," pagmamayabang na sabi niya.

THE ONE WHO GOT ME - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon