Chapter 92

2K 141 17
                                        

A/N: Keep safe everyone. Thank you for supporting my Season 2 and Follow, Votes and comments Godbless everyone Loves.

Kiej's POV.

"dre!" sa ngayon ay papaalis kami papunta sa office ng major namin dahil magpapasa ng activity na di natapos kahapon.

"hoy Rob ayan ka na naman!" pagbabanta ko sa kaniya, lumapit siya ng sobrang lapit.

"ilayo mo 'yong bebe mo kay Harry, type niya ata," napahinto ako at nilingon si Harry na napapalingon sa Accounting Department na building.

"edi kunin niya!" nakakainis kong sagot sa kaniya.

"bahala ka diyan! pagnakuha niya yan, walang iiyak ha?" natatawang sabi ni Rob, "Hoy Harry!! Kunin mo na!" binatukan ko naman si Rob para matawang napapahimas sa kaniyang batok.

"Ulol!" sabi ko.

Gusto ni Harry si Lhex? Hinakbang ko na lang muli ang aking paa. "Huwag kasing denial dre, pormahan muna kasi!" kung noon ay kung makapush siya kay Jia, ay ngayon parang gusto niya na akong mapunta kay Lhex.

Baliw rin na loloko tong isang to. "Kung pwede lang talaga agad agad. Pero sa tuwing nasa harap ko na siya ay para bang nababaliw ako dre," usal ko.

"HAHAHAHA AYAYAYAY! kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito," napapasayaw pang pangangasar niya. "Nagdadalaga ka na talaga, dre!"

"ulol!"

Napatahimik kaming pumasok sa office ni Sir, pumasok rin si Harry na nakangiti. Napatingin naman ako kay Rob na para bang binabantaan niya ako. Gusto niya si Lhex? "Dre, type mo si Lhex no?" kunyari pabulong na tanong ni Rob 'yon kay Harry. Napatingin naman siya rito.

"A little bit, she's cool. At the same time, rare lang ang ganoong babae," sagot ni Harry, na para bang gusto ko siyang sugudin at suntukin.

Loko to ah!

"ayan galaw galaw din kasi," sagot niya kay Harry pero sa akin talaga niya sinasabi 'yon.

"baliw saan? I said, I like her, hindi naman agad na liligawan," parang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi ni Harry, di ko ba alam pero hanggang sa pag-alis namin matapos ipasa ang project ay nakangiti ako.

"pero If desidido na ako, why not? I can court her," rinig na rinig kong usal ni Harry kay Rob, parang namula ako sa sobrang galit dahil sa sinabi niya.

Hanggang sa makauwi kami ay wala akong imik, naalala ko lang ang sinabi niya at naging paulit ulit 'yon. Kung kailan nagkakaroon na ako ng tsansa ay bakit parang hindi na aayon ang tadhana? Naglalakad ako ngayon papunta sa barn, para doon na lang e park muna ang kotse ko.

"Sir Kiej!" tawag ni Mang Birhil, na nililinis ang barn, napakaway naman ako sa kaniya. "Magandang Hapon po," pagbabati niya sa akin.

"Magandang Hapon rin Mang Birhil, kamusta?" tanong ko sa kaniya. Napapunas siya ng kamay tsaka lumapit sa gawi ko.

"mabuti naman po, Sir Kiej. Hindi narin namin namataan na may umaaligid dito sa hacienda. Baka natakot na sila dahil sa nahuli ang dalawang kasamahan nila," makikita mong maaliwalas at masaya siya ngayon.

"mabuti nga, a-ah Mang Birhil?" nag-alinlangan akong itanong sa kaniya ang nasa isipan ko.

"Ano po 'yon Sir Kiej?"

"dumadalaw pa ba sa hacienda si Lhex?" napangiti siya at napaiwas naman ako dahil sa kaniyang mga tingin na may pangangasar.

"sa katunayan, araw araw, Sir Kiej," napakunot ang noo ko.

THE ONE WHO GOT ME - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon