Chapter 94

2.2K 120 23
                                        

A/N: SHOUT OUT TO @AireenAC , Goodevening everyone❤️ God bless you and stay tuned.

2 days rest muna loves❤️ Keep safe everyone. Thursday and Friday, wala akong update. Maybe Saturday and Sunday, meroon na.

Jia's POV.

"Yeheeeeey, we're done!" masayang sabi ko matapos ng Prelim Exam, kailangan matapos ang exam ngayong linggo dahil sa susunod na araw na ang School Festival. Ilang araw na rin ng hindi kami nakakasabay kina Kiej, because busy kami lagi dahil sa review. We need to finished everything para wala na kaming alalahanin pa sa susunod na buwan.

"Oo nga, makakapagpahinga na rin tayo," mahinang usal ni Colline. Napangiti naman ako sa kaniya tsaka tumango, nahagip ng aking mata si Lhex na inaayos ang kaniyang gamit.

"Hey Lhex, what about sumama ka saamin," pang-ayaya ko sa kaniya. "may p-party kasi ako sa bahay, just for fun," masayang sabi ko sa kaniya.

"hmm," sagot nito.

"isama mo na rin 'yong kaibigan mo," kilala ko na rin ang kaibigan nito dahil sa kaklase ko naman siya sa PE.

"sige, sasabihan ko." tsaka ito napatalikod at hinakbang ang kaniyang mga paa papaalis sa classroom.

"Seryoso?" napalingon ako kay Marvin dahil sa sinabi niya.

"Oo naman, why not?"

"Kiej likes her," napakunot naman ang noo ko.

"Of course not, hindi ganiyan ang tipo ni Kiej. Unfortunately, nararamdaman ko na gusto niya ako Marvin," kinikilig na tugon ko kay Marvin, habang tinitiklop ang librong ginamit ko kanina sa pagreview na nasa baba ng upuan ko.

"Naku, girl! are you sure?" napatango ako tsaka ngumiti.

"Oo naman, sumama ka rin ha?" pang-ayaya ko sa kaniya.

"Girl, mawawala pa ba ako? Big NO! Hindi ako mawawala sa p-party mo," tsaka finlip ang kaniyang buhok na akala mo ay mahaba 'yon. Natawa naman ako, mabuti na lang talaga ay Vice President ng SSC si Marvin. Dahil kung hindi ay mahihirapan akong harapin ang School Festival.

Lahat ng mga booths, foods stole, cultural dance activities and also the Sky lantern Festival during that day ay naisip niya. Lahat 'yon ay suggestion ni Marvin at ako naman ay interested lamang doon, mabuti na lang talaga ay may naibigay kaming event proposals because of him. Nahalal lang naman ako bilang isang President ng SSC dahil sikat ako na anak ng isang guro and lawyer.

"Naka-assign na ba ang mga cultural dances sa iba't ibang Department?" tanong ko sa mga kasamahan ko sa Office ng SSC.

"Okay na. Nagawa na ni Marv ang lahat ng 'yon, ngayon ay pag-uusapan natin ang mga background na ilalagay sa field for opening. Lalo na rin ang last day for Sky Lantern Festival," pagpapaliwanag ng ka team ko habang napaupo ako sa tapat ng mahabang mesa sa dulo.

"Oo nga pala, nagpagawa tayo ng wooden bridge para ilagay sa fountain."

"sinong nagpagawa? Hindi ko naman sinabi ah," nakangusong usal ko.

"Yung faculty gumawa noon, Jia. Maganda rin na may wooden bridge doon para naman romantic,"

"romantic?" parang nagkainterest ako sa sinabi niya.

"Hindi mo ba alam na binigyan ng mga teacher ng symbolizes ang Sky Lantern? na kung anong malalagay sa sulat ay matutupad, and mas romantic kung sabay kayo ng taong gustong gusto mo," mas lalong nanabik ako.

THE ONE WHO GOT ME - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon