Kiej's POV.
Hindi parin ako makapaniwala na sa araw araw na kahit abala ako ay isang kita ko lang sa kaniya ay kalmado na ang araw ko. Sa ilang taon ko siyang hindi nakita ay parang wasted lang lahat dahil walang Lhexien ang nakakakita sa narating ko tulad ng sinabi niyang hiling sa akin, na makita niya lang akong maging Doctor ay ayos na, pero nawalan siya nang-aalala.
Ilang linggo palang siya ay alam kong nahihirapan na siya sa Residency niya. Hindi ko alam kung bakit at paanong napili niya ang pagiging Doctor. Minsan ay nadadatnan ko siyang tulog sa kaniyang table at pagod na pagod, napatayo ako at pinagmasdan siya sa ganoong position. Hindi rin katagalan dahil baka dumating ang dalawang intern.
Noong may Family dinner naman ako ay iniwan ko sa kaniya ang monitoring charts ng tatlong pasyente, akala ko kasi ay pagkatapos noon ay makakauwi na siya. Nagsisi tuloy ako dahil may trabaho pa siya ng umaga, napabuntong hininga na lamang ako. Ramdam ko ang pagkailang niya sa akin, alam kong tama nga si Rob.
Sinabi sa akin ni Rob ang tungkol sa nakita niya, nagulat pa siya noong hindi ako nagulat.
"Alam mo pala?" usal niya.
"Hmm," sagot ko.
"Pero dre, paano 'yan?" nag-aalangan na sabi niya.
"Hindi naman namanatili siyang walang alam noon, babalik rin naman 'yon. Sa ngayon ay maghihintay ako sa kaniya kung kailan niya tayo maalala. Hindi kailangan pilitin at lahat tayo magpakita at sabihin sa kaniya o ipakilala ang mga sarili natin. Kahit anong gawin natin hindi niya maalala, babalik rin ang mga nawala sa kaniya," pagpapaliwanag ko.
"Maniwala ka sa Doctor," usal ni Harry.
"Naniniwala naman ako, ikaw! Hindi pa ba kayo ayos ni Janeth?" tanong ni Rob sa kaniya.
"At bakit napunta sa amin ang usapan?" halatang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol roon, ni hindi niya man lang na defend ang sarili na sabihin ng dating nobya na nangbabae siya.
Kahit kaibigan niya kami ay nirerespeto naman namin ang desisyon niya. "Edi balik kay Lhex!" suwail na sabi ni Rob. "Tinatagpo talaga kayo Dre, tingnan mo nasa hospital na pinagt-trabahuan mo na ngayon siya nagtatrabaho. Hindi ba natin sasabihin sa iba?" dagdag niya pa.
"Huwag na muna, baka kasi pagpyestahan si Lhex," si Harry.
"Harry's right, baka ganoon ang mangyari. Sa nakikita ko kasi she's not Lhexien anymore na nakilala natin. She's not strong as strong anymore," sabi ko.
"Wehhhh?" si Rob.
"Tangik! Maniwala ka sa Doctor," saway ni Harry sa kaniya.
"Oo na, oo na!"
"She can't express herself, as usual. Hindi rin siya maingay, kaya niyang maging kalmado at isang salita na alam mong matitigil mo dahil sa awtoridad. Pero dahil Doctor siya at kailangan niyang usisain ang mga patients niya ay kailangan niya talagang magsalita," kwento ko.
Hindi niya masyadong kinakausap ang mga kasamahan niya, minsan ay ginagawa niya ang trabaho niya nang mabilisan dahil walang masyadong kinakausap. Kung meroon man ay mga nakakasalamuha niyang mga patients lang.
"Anong naramdaman mo?" Napalingon ako kay Harry noong seryoso siya sa tanong niya.
I'm not okay.
Three letters to express what I feel right now. Hindi ko alam kung paano ipakitang mahal ko siya dahil kahit siya ay hindi ako kilala, hindi ko alam kung ano kami dahil ako lang naman nakakaalam talaga kung sino ako sa buhay niya. Nakikita ko ring wala siyang ka interest sa akin, dahil panay ang walang kibo niya.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Teen Fiction[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.