Chapter 108 - SCHOOL FESTIVAL

1.7K 119 16
                                    

Janeth's POV.

"Huuuuwaaaahhh! Ang cuteeee cuteeee ko sa hanbok na suot ko, right?" habang napapahawak roon sa suot ko at umikot ikot sa harap ni Lhex. Nasa isang boutique kami ngayon kung saan ay may mga Traditional or Modern Korean inspired na mga trends. Napahinto ako dahil wala man lang karea-reaksyon ang mukha niya.

Mamayang gabi pa naman ang last event, at dahil maaaga pa para gisingin ko si Lhex at pumunta sa boutique na ito. Dahil wala naman siyang choice kundi sumama sa akin ay napilitan na siya. "Hoy!" tawag ko muli sa kaniya para tingnan niya ako ng may pagtataka. "Hayyysshh! May napili ka na?" Umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang hawak niyang libro kung saan ay maraming styles ang nandoon.

"Wala," sagot nito.

As usual.

"Ambot na lang jud nimo dzae!" Kinuha ko naman ang brochure sa kaniya at namili roon. "Marami namang magaganda, bakit hindi ka makapili?" tanong ko sa kaniya.

"Edi ikaw pumili," sagot niya.

Hehehehehehehehe!

Habang sa pamimili ko ay napansin kong may iniisip siya, kaya naisipan kong magtanong na bumabagabag sa aking isipan. "Lhex? may nararamdaman ka na ba kay Kiej?" hindi parin mawala ang tingin ko sa brochure na hawak ko habang namimili para sa kaniya.

Sa matagal na sagot niya ay napahinto ako. Doon palang ay alam ko na ang sagot niya, "Huwag mong sabihin na 'yong ex mo parin?" prangkang sabi ko sa kaniya.

"Ewan ko," tipid na sagot niya.

"Eh bakit pinayagan mo pa si Kiej? Kung wala naman pala diba?" gusto kong mainis sa kaniya pero hindi ko magawa.

"Gusto ko siyang bigyan ng chance at hindi naman siguro tama ang ipahiya siya sa araw na 'yon," sagot nito na nahihirapa  sa sitwasyon. "Ayaw ko ring nakikitang nasasaktan siya," walang ka emo-emosyong sabi niya pa.

"Dapat lang talaga, alam mo naman si Kiej myloves diba? masyado siyang genuine sa nararamdaman niya, hindi niya deserve ang masaktan. Sana naman ay huwag mo ring bigyan siya ng motibo para isipin niya may nagugustuhan ka na sa kaniya. Sa nakikita ko kasi ay nagbibigay ka na, kaya expected ng masasaktan siya pag nalaman niya na wala ka pang nararamdaman," usal ko.

Nakita ko ang pagbuntong hininga niya,"I always end up protecting his feelings," mahinang sabi nito. Totoo. Lagi nitong inaalalang hindi masasaktan si Kiej kahit hindi na nito masunod ang kasiyahan niya. "because seeing his smile makes me happy," dagdag niya pa.

O______O

WALANGJU!!

"May gusto ka na sa kaniya?" nagulat kong tanong sa kaniya.

"Hindi ko alam," nag-shrugged na sabi nito.

"Ayaaaayaaaayyy! Pagsure ba! Basig naa na!" paninigurado ko naman.

"Tss, hindi ko nga alam diba?" naiinis niyang sabi.

"Okay fine! Baka masapak mo pa ak—hehehehehe sabi ko nga maganda ka, ohhh dali dalii na pumuli na tayo ng susuotin mo! Huwag mong sabihin na magg-gown ka para kasalan na agad?" pagbibiro ko sa kaniya para mapahinto siya na may iniisip at nakita ang ngiti. "Ayyyy nakangiti! Anong iniisip mo ha?"

"Secret," tipid niyang sabi.

"Wow ha?! Sige frenny! magtago ka lang," napapatangong sabi ko sa kaniya.

THE ONE WHO GOT ME - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon