Kiej's POV.
Pag-uwi ko ay parang isang lantang gulay ako dahil sa nalaman ko galing kay Lhex. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, at kung paano niya nagawang eresulba ang problemang ito. Napayuko akong naglakad papasok ng mansyon kung saan ay nandoon si Mommy.
Pinauwi ako ni Lhex at sang'ayon ako upang humingi ng tawad ngayon kay Daddy. Hindi ko palalampasin ang araw na ito na hindi siya masaya, ilang araw rin kasing wala kaming kibuan. Apektado lahat dahil sa nangyayari lalong lalo na si Ate Jasmine and Mommy na walang kaalam alam.
"Mom!" Napayakap kong tawag sa kaniya.
"Husshh, baby?"
"Mom, sorry. Sorry kung nag-aalala kayo sa'kin," malungkot na sambit ko.
"Baby? Natural lamang 'yon because I love you, kahit kay Jasmine 'yon mangyari ay ganoon rin ako mag-aalala. Alam kong may sinasabi kang hindi mo kayang sabihin, so I let you. Ayaw kong e pressure ka, alam ko rin na wala na kayo ni Lhex." Humiwalay ako sa aking pagkakayap sa kaniya."Jasmine Gayle told me about that, hinihintay lang kitang magsabi noon. This time hindi na ako mananahimik. Hindi narin ako magiging bulag-bulagan na hindi nakikita kung paano mo iwasan ang Daddy mo, Kiej Caven."
Pag-isasama na ni Mommy ang second name ko ay alam kong seryoso na ito ang usapan. Hindi ito ang oras para sabihin sa kaniya dahil uunahin ko muna si Daddy, at siya mismo magpapaintindi kay Mommy. Upang maging maayos lahat. Iisipin ko palang kung anong ginawa ni Lhex, naisip kong hindi lang para sa aming dalawa kundi para rin sa pamilya ko.
"Mom? I love you too," sagot ko.
"I know Hahahaha! Akala ko ba sa condo ka matutulog?" pag-iiba nito ng usapan.
"To be honest, kina Lhex ako pumunta," mahinahong sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya at nakita ang mga kiliti rito.
"Are you sure?! You spend time with her, yiiieeeeee! You know what Baby? I always pray," masayang sambit nito. "Na sana maayos niyo ni Lhex ang relasyon niyo, I can't imagined myself as a Mother in law. You without marrying Lhexii," natatawang sambit niya.
"Mom! You're the best," sabay yakap sa kaniya.
"Sabihin mo matchy talaga ako, dahil ang napipili ko ay magiging mapapangasawa mo." Natawa na lang kaming pareho.
Totoo nga. Supportado siya kay Xieny as Lhexien noong mga bata kami, botong boto siya roon. Noong tumuntong ako sa highschool ay si Lhex naman ang hindi niya tinantanan na tawaging Daughters in law. Pakiramdam ko ay kung sino talaga ang gusto ni Mommy sa akin ay hindi na magbabago kahit balik baliktarin man ang mundo o nalipasan ng panahon pa.
Hindi niya naman hate si Mich, hindi niya rin lang gusto noon. Pagdating kay Lhex ay unang kita palang tinawag niya na agad na daughter in law. Natatawa tuloy ako kung paano humantong sa ganito ang lahat.
"Mom? Si Daddy?" nahihiyang tanong ko para mapanguso siyang yumakap sa akin.
"Aw! I feel something," malambing na sambit niya. "Nasa opisina niya siya, you guys! Hays you gave me sakit sa ulo ha?" natatawang sabi niya. Humiwalay naman siya at natawang pinagmasdan ako.
Kumapit siya sa aking braso at tinungo namin ang opisina nito sa itaas. Hinatid niya lang ako sa harap noon at nag AJA! sign pa si Mommy. I open the door, at nandoon nga siya nakatingin sa kaniyang laptop. Nahinto niya ang pagbabasa ng mapansin niya ako.
Napaayos ang kaniyang upo. "Dad," tawag ko sa kaniya. Nagulat naman siya dahil sa tawag ko sa kaniya. Tahimik lamang ang pagitan namin, dahil hindi nito alam ang kaniyang ibubungad. Around 2AM na rin at hindi ito natutulog. "Anak.." tawag niya sa akin.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
أدب المراهقين[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.