Lhexien's POV.
Papunta kami ngayon ng airport, habang naglalakad kami ay hawak ni Delabin ang isang kamay ko habang ang isa naman ay nasa bagahe namin. Hindi ko akalain na makakasama ko ang mga barkada sa bakasyon na ito. Di ko rin akalain na dadalhin ako sa international airport.
Tss.
"Ang dami mong pasabog," asik kong nakangisi.
"Syempre! ako pa ba? Boyfriend mo ata to."
Napapailing naman ako. "Ilang araw mo tong pinag-isipan?" Lumingon ako sa kaniya.
"Sabihin na lang nating two months ago, Lhex!" singit ni Rob.
Napalingon ako sa kaniya, nagulat pa siya na parang natakot dahil binigyan siya ng pagbabantang tingin ni Delabin. 2 months? "Sabi ko nga tatahimik na ako Hahahahaha! Babeeeee wait for meeeee!" sigaw niya sabay takbo papalapit kay Colline na nasa unahan na.
"2 months ago.." Tango tangong sabi ko.
"Kasi Bal," mahinang sabi nito.
"Kasi?"
"Ano.. I want to spend time with you sa bakasyon. Hindi ko naman alam na may mangyayari pa," malungkot na sabi niya.
"Bakit nalulungkot ka?"
Napanguso siya. "Akala ko kasi hindi mo gusto itong hinanda ko."
"Tss, wala naman akong sinabi."
To be honest, masaya ako. Gusto kong idagdag ang katagang 'yan sa kaniya, pero naalala ko palang siya si Delabin at ngingiti na naman na sobrang gwapo na alam kong ikakabaliw ng sistema ko.
"Saan ba tayo pupunta?" I asked.
Napangisi siya. "Sa Thailand," sagot niya. "Iyon ang paborito mong place Bal," nakangiti na puno nang saya ang kaniyang mga mata.
Napakunot ang noo ko. "Paboritong place?"
"A-huh! 'yon naman talaga."
"Sinabi ko bang doon?"
As far as I know, wala akong nasabi sa kaniya na Thailand ang paborito ko. "Oo!" panigurado niya.
"Delabin, wala akong sinabi sayo na Thailand ang gusto kong lugar."
Unless..
Napakunot niyang noong nilingon ako. "Hindi mo ba sinabi?"
"Unless nabasa mo ang journal ko—"
Nagulat ako dahil bigla niyang tinakpan ang bibig niya. "So ikaw ang kumuha ng journal ko?"
"Bal.. kasi.."
3 years ago ng nawawala ang journal ko and all this time ay nasa kaniya lamang 'yon. "Binasa mo ba?"
"Kasi.. ikaw nag-iwan noon!"
Inalis ko ang pagkakapit sa kaniya. "Naiwan ko pero hindi mo binalik?"
"Bal, nakalimutan kong isauli."
"Saan mo naman nakita?" curious kong tanong.
"Di ko alam kung sa bahay ba namin o sa office noong naging Mr. and Mrs. Dec'Outing tayo."
Hindi ako makapaniwala. Gusto ko mang isipin pero hindi ko talaga alam kung saan ko huling nilabas 'yon. "Nasa sayo naman pala."
"Galit ka?" mahinang sabi niya.
BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Teen Fiction[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.