Kiej's POV.
"Dre! sasali ka na naman ba sa basketball team?" tanong sa akin ni Rob, sa ngayon ay may pinagawa sa amin ang major prof namin ng isang scale. Sa ngayon ay nasa harap namin ang mga materyales na gagamitin namin ngayon.
"siguro, bakit?" habang pinagtutuunan ang ginagawa ko. Konti na lang ay matatapos ko na ang aking gagawin.
"wala lang, kasi diba? VIP ka noong nakaraan, kaya inaasahan ka na naman ng lahat," nakangising sabi niya.
Napahinto ako, at inayos ang mga materials ko. "Tapos ka na?" tanong ni Harry.
"Oo tapos na ako, sasali parin ako sa basketball team," sagot ko rin kay Rob. Nagkatinginan silang dalawa, kaya nagtaka naman ako.
"wala talaga 'yang pakikipag-usap mo sa kaniya, nagawa niya paring tapusin lahat. Kaya tama na ang daldal at pagtuunan ang pansin ang ginagawa natin,' napatawa naman ako. Dahil ginawa lang pala nila akong kausapin para di matapos tapos agad.
Napakamot naman sa batok si Rob tsaka natahimik na lang sa kaniyang ginagawa. Napatayo naman ako, sumenyas ako na sa labas ko na lang sila hihintayin. Pinasa ko kay Sir ang aking gawa, napataas ang kaniyang tingin dahil sa paglapit ko.
"are you done already, Mr. Delavin?" striktong usal niya.
"yes Sir, tapos na po," kinuha niya 'yon tsaka pinagmasdan ang gawa ko. Tinaas niya ang hintuturo tsaka tinuro ako pinto para hudyak na lumabas na ako. Lahat naman ay napapatingin sa akin.
Dala dala ko ang bag ko, kaya naglakad ako papunta sa locker pa ibalik lahat ng gamit ko. "Hi Kieeeeej!" kumakaway na mga senior.
"Hi," bati ko naman sa kanila.
"HUWAAAH! pinansin ako ni Kiej,"
"anong ikaw? Ako 'yon!"
"hoy, ako' yong kinawayan kitang kita ko no,"
Nagtatalo pa silang tatlo, kaya napailing na lang ako tsaka binuksan ang locker ko. Nilingon ko ang harap at hinanap muli ang puti at yellow o kung anong punit punit na nandoon, pero wala.
Lahat 'yon ay nakaayos na papel, napanguso naman ako."Kieeeeeej!" napalingon akong muli, kung saan ay kitang kita ko si Jia. Ang suot niyang fit na fit kung saan ay kitang kita ang pusod niya and fit highwaist. Hawak hawak niya ang kaniyang libro, ang nakalugay na buhok na wavy ay mas lalong nagpapakita ng kaniyang ganda.
"heey! bakit nakakunot ang noo mo ha?" napangusong sabi niya.
"bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ko sa kaniya.
"Yieeee hindi mo like?" nakangiting sabi niya tsaka umikot para ipakita sa akin ang kabuuhan.
"Hindi naman, wala kang pasok?" tanong ko sa kaniya.
"papunta na ako, nakita lang kita. Sasama kami ni Colline sa lunch ha?" napatango naman ako. Ngumuso naman siya na parang may nakalimutan akong sabihin sa kaniya. Napabuntong hininga siya at pinalitan ng nakangiti, kumaway siya habang papaalis.
Isinara ko ang locker ko, at tumumbad sa akin ang nagmamadaling si...
Janeth?
Napatakbo ako para habulin siya, pero sobrang bilis niya. Nasa hallway pa ako nasa ikalawang palapag na siya. Hinabol ko siya hanggang saan siya nakapasok, kaya naman sinilip ko. Nagpalinga linga ako pero wala.
Wala ang taong hinahanap ko.
Impossibleng magkasama sila dahil mag-isang siya umalis ng mga araw na 'yon. Napahawak ako sa aking bag, pababa ng floor. Di ko alam anong department sa building na' yon.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Novela Juvenil[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.