Lhex's POV.
Tinulak ko naman siya nang mahina upang mapaatras at mapaiwas siya sa akin. Tinungo niya kung saan ang mga plato at utensils na gagamitin. Inilagay niya 'yon sa harap ng mesa kung saan ay magkaharap kami kung uupo. Napatingin siya sa akin na nakakunot ang noo, "Sit down, Lhexien." Sabay tapik ng upuan sa harapan niya.
Lhexien na naman!
"Hmm.." Naglakad ako papunta roon, pero napapaisip pa siya sa mga oras na' yon.
"Magtabi na lang tayo, Lhe—" sinamaan ko naman siya nang tingin. Umupo ako sa upuan, tinabig ko ang kamay niyang nasa upuan na uupuan ko. Ang kaniyang tingin na nagtataka sa akin mga kilos.
"Tabi! Kiej!" Umupo naman ako. Naglagay ako ng pagkain sa plate ko, naramdaman ko namang hindi parin umaalis si Delabin sa side ko.
"Bal," tawag niya sa akin na parang batang nagpapalambing.
"Hmm? Kumain na tayo." Nilalagyan ko naman ang plate niya sa harap ko.
"Hindi ka ba mags-sorry sa akin?" malungkot na usal nito, upang mapahinto ako at binitawan ang sandok. Napatingin ako sa kaniya at napatingala upang makita lang siya.
"Kumain na muna tayo, tapos mag-uusap na tayo. Okay lang ba?" seryosong tanong ko, upang mapanguso siya. Ibinalik ko ang tingin sa pagkain at nilalagyan ang plate niya.
"Baliiii." Naramdaman kong ang panga niya ay nasa balikat ko, kung saan ay ramdam ko ang paghinga ni Delabin.
"Hmm?"
"Sorry," malambing na tugon niya. Hindi ba't dapat ako ang nags-sorry sa kaniya? Kahit nalilito ako ay hindi ko mapigilang mapangiti. "Sorry kung masyado akong maluho sa lahat, maswerte nga ako dahil kahit hindi ka handa ay hindi mo pinaramdam na hindi ako special," malungkot na sabi niya na parang bata, alam kong nakanguso na naman siya. "Bal?"
"Hmm?"
"Okay na tayo, ha?"
Napangiti naman ako, "Hmm, kumain na tayo. Mamaya na ako magpapaliwanag, gutom na ako Delabin."
"Gutom ka? Haysst! Nakakainis talaga, ano ba 'yan, ayaw ko pa namang nagugutom ka. Pinangako kay Tito Felix na aalagaan ang prinsesa niya, tapos! Pinapabayaan kita," napangiti ako dahil bumalik na si Delabin na nagdadabog. Umupo siya sa upuan niya at naglagay ng maraming pagkain sa plate ko.
"Tss, hindi ko mauubos 'yan," pagrereklamo ko sa kaniya.
"Huwag mong hintaying subuan kita hanggang sa maubos mo," nakangiti niyang sabi. Kinuha ko naman ang spoon at sinimulang kumain.
Ediwow.
Nakita ko namang nagsimula na rin siyang kumain, habang napapanguso parin. Bakas sa kaniyang mga mata ang lungkot, at sa puntong 'yon ay ayaw na ayaw ko.
Naiinis ako sa sarili ko pag ganoon. Ayaw kong magsinungaling sa kaniya, lalong lalo na sa nararamdaman ko.
Matapos kaming kumain ay dumating naman si Manang Silya at Ate Rose. May konting asaran ang binungad nila sa amin, pero mas nakakaintindi si Manang Silya na kailangan namin ng oras upang makapag-usap ni Delabin.
Kahit gabi na ay lumabas parin kami, kasama namin ang buwan at ang mga tala habang naglalakad. Tanging buwan ang naging ilaw namin sa paglalakad, nakita ko naman isang tower na kung umaga ay pangkaraniwan lang. May signal light 'yon sa taas na kulay pula. "Sa taas ng tower na 'yan ay makikita mo ang city lights ng Batangas, ang hacienda ni Lolo ay isa sa mataas na lugar kung saan ay makikita sa bahaging 'yan ang syudad," panimula nito.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Novela Juvenil[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.