Lhex's POV.
Ano ginawa ko para halikan niya ako?! Ang halik niyang kakaiba, napakaemosyonal ang dating sa akin. Nanghina buong katawan ko dahil sa halik niya, na parang pinapasuko na ako.
Lhex, wake up!
Napakuyom ko ang aking kamo, pero ang tanging pagpikit na lamang ang naigawa ko at hawakan ang sweater niya sa gilid. Ang dalawang kamay niya ay napahawak sa pisngi ako at siniil parin ako ng halik. Nab-bothered tuloy ako sa pinto na hindi lock, baka may makakita sa amin at kung ano pang isipin nila.
Naramdaman niyang napailang ako. "Ayaw mo ba?" seryosong tanong niya na nagliliyab ang kaniyang mga mata.
Gusto syempre! "The d-door," nahihiyang sambit ko. Upang tingnan niya ito at may pangangasar. Shit!! Akala niya siguro kaya sinabi ko 'yon ay baka may gusto pa akong gawin niya. Tinulak ko naman siya at napapatawa pa talaga.
"Gago!" sabay tapon sa kaniya ng unan.
"HAHAHAHHA, gustong gusto ng baby bal ko ahh!" pangangasar niya para kunin muli ang unan at lumapit sa kaniya.
Hinampas hampas ko sa kaniya habang natatawa siya. Bigla niyang nakuha ang pulsuhan ko para hilahin ako sa kaniya na nasa kama, edi napahiga kaming dalawa.
"Bitiw!" pagbabanta ko sa kaniya.
"Hindi na nga, sige na hindi na tatawa," tinikom niya ang kaniya bibig upang di matawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Huwag na tayong umalis, mas gusto kong magkasama tayo dito," sabi niya tsaka binitawan ang pulsuhan ko.
"Saan ba tayo?" tanong na nakakunot noo.
"Akala ko mag m-mall tayo?"
Hinampas ko muli ang unan sa kaniya. "Wala naman sa plano natin mag mall," seryosong sabi ko. Naamoy ko ang manly perfume niya.
"Wala ba? e bakit nag casual dress ka?" natatawang sambit niya. "Huwag mong sabihin magsisimba tayo? HAHAHAHA!" Hinampas ko na naman ang unan sa kaniya at hindi parin tumitigil sa pagtatawa.
Baliw talaga!!
"Hoy a-abnoy!"
Hindi na talaga ako magpapauto kay Janeth, sabi niya kasi kailangan kong magsuot ng ganoon para magustuhan ni Delabin. Pero ito at inaasar niya ako sa damit ko, mabuti na lang talaga ay may dala akong extra. Kung wala mas lalong pagtatawanan niya ako.
Humanda ka talaga Janeth!!
"Okay lang 'yon babes, ang cute mo naman pagnaaasar ka," sabay pinch ng cheeks ko.
"Tumahimik ka!" namumulang sagot ko sa kaniya.
"Pero totoo bakit nagdress ka pa ha?" pinipigilan ang tawa.
"A-akala ko m-magustuhan mo," sabi ko sabay talikod.
Nyawa!
Naalala ko naman ang sinabi ni Janeth. "Dzae! Suota jud ni para maganhan si Kiej myloves mutan'aw nimo. Lantawa jud bagay kaayo ni nimo!" pang-a-alien na sabi nito. Pinapakita niya pussia pink na casual dress, hindi revealing 'yon.
"Ano?"
"Suotin mo to, dali na! Magagandahan si Kiej myloves sa'yo pag ganiyan ang ayos mo," pangunguto niya at ito naman ako at nagpauto sa kaniya.
Siniksik ni Delabin ang kaniyang mukha sa leeg ko sa likuran. "Ang ganda mo Bal," mahinang sabi niya upang di ko mapigilan ang mapangiti. "Ayaw ko lang na suotin mo 'yon pag di mo ko kasama, ayaw kong mabastos ka ng iba Bal," nahihiyang sabi niya.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Fiksi Remaja[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.