Chapter 147

895 74 42
                                        

Kiej's POV.

2 years. How are you? Nakatayo ako ngayon kung saan siya mismo nilibing, kung saan mismo siya nakahiga at mahimbing nangayapa sa kaniyang hantungan. Ambilis ng panahon at nagbabago na ang lahat, tipong wala kang takas sa nangyayari sa buhay mo dahil dala dala mo parin ang alaala na binuo niyo. Kahit saang lugar mong gustong magtago, magpunta o kahit anong gawin mo upang makalimutan siya ay hindi mo parin maalis ang katotohanang nakaukit na siya sa puso mo at sa buhay mo.

"Tulips and rose, Bal. Para sa'yo to lahat, kamusta ka na?" Umupo ako at nilagay ang isang bouquet na bulaklak kung saan ang tulips at ang mga rosas ay nagsasama. "Bakit nang-iwan ka kaagad?" mahinang tanong ko. "Kung alam ko lang, edi sana sinamahan kita ng mga araw na 'yon." Inalis ko ang mga damu na unti unting nababalutan ang lapida niya.

"Magtatapos na ako at magsisimula na ako sa Doctors School sa Manila, natapos ko na rin ang Engineering and salamat dahil nakapasa naman ako sa board exam." Napangiti akong maalala ang lahat ng pinagdaanan ko. Sa mga araw na hindi ko na kaya at naiiyak sa dahil sinusumpong ako ng depression ay tinitingnan ko lang ang larawan niya ay humihinahon ang puso ko.

May mag oras na gusto ko na lang kitilin ang buhay ko at sumama sa kaniya, pero may tumutulak sa akin na hindi ko pwedeng gawin ang bagay na 'yon. Naaalala ko na lang bigla ang mga pag-uusap namin na dapat maabot ko lahat ng pangarap ko, ang mga hiling niyang maging masaya ako at mga araw nandoon lang siya na masayang tumitingala sa akin na naabot ko na lahat.

"Pero mali Bal, ako 'yong tumitingala dahil wala ka na," mahinang sambit ko.

Tumayo ako para lumisan na muli, nanunuluyan na ako sa condo ko for now. Aasikasuhin ko na rin ang paglilipat ko sa Manila, I will start my new life doon. Habang nagmamaneho ako ay wala sa sarili akong napahinto ng madaanan ang coffee project na 'yon, kung saan ay nakikita ko sa bawat espasyo ang itsura niya noong mga taong nagt-trabaho pa siya.

Ang hirap namang wala ka. Lumabas ako ng kotse at pumasok sa coffee project, wala paring pinagbago ang lugar na' yon. Amg espasyo ay napuno ng alaala noon. "What's your order sir?" Napahinto ako dahil sa boses at itsura niya, nakakamiss, nakakapanabik. "Sir?"

Namalik mata ako at umiling. "Black coffee take out," sagot ko.

"Okay, Sir."

Umalis naman agad ako sa coffee project upang umuwi na sa condo ko, dahil bukas ay pupunta ako ng Manila. Sa susunod na linggo ang kasal ni Ate, kaya kailangan kong tapusin lahat ng gagawin ko this week.

"Thank you for coming," sambit noong isang server.

Pinagpatuloy ko nga ang pagmamaneho papuntang condo ko sa Manila. Napa-renovated na rin ang buong kwarto. Isang masters bedroom at isang guestroom ang meroon ako sa condo ko, may malawak na sofa at may classic design.

"Sure ka na bang sa Manila ka magpapatuloy?" tanong ni Rob sa linya.

"Nagbibiro ba ako?"

"Hindi naman sa ganoon, ang layo na sa General Trias."

"Kaya nga may condo ako," sagot ko sa kaniya.

"Hays! ang dami mong pangarap dre!"

Napangisi naman ako. "Yeah."

"Naks! Kamusta ka naman?" tanong niya sa akin.

"Okay lang ako, kayo ba?"

Tutok parin ako sa pagmamaneho habang kausap ko siya. "Ito gwapo parin Hahahaha!" Napailing na lang ako.

THE ONE WHO GOT ME - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon