Chapter 87

1.7K 111 24
                                        

Kiej's POV.

Nandito kami ngayon sa mamahaling restuarant sa loob ng Mall nila Harry. Nagsimula kaming kumain, bago paman bumili ng mga materyales, kasama namin ngayon ang dalawa na sina Jia and Colline. "Kieeeej! wala ka bang sasabihin sa suot ko?" nakangiting sabi niya, pinagmasdan ko ang suot niya. Nakacrop top siya, with fitted high waist.

"Okay lang naman," sagot ko, habang hinihiwa ang beef na kinakain ko.

"Hindi maganda?" nakangusong tugon niya.

"maganda," kaswal na tugon ko.

"Dre, nagpareserve na pala si Harry kanina babayaran mo na lang daw," natatawang sabi ni Rob.

"Yuuh, dumaan ako sa department store kanina. Para may magawa pa tayo, imported lahat 'yon, at alam ko ang mga taste mo pre," sabi ni Harry, "mga mamahalin ang pinili ko," sagot niya.

"Naakss! salamat Dre," nat-touch na sabi nito.

"Tigilan mo ko, naririndi ako sayo," usal ko para pagtawanan nila.

"Kami na lang pala ni Colline ang maghahanap sa book store ng bibilhin namin, saan ba kayo pupunta?" tanong ni Jia.

"Sumunod na lang kayo sa game zone, doon lang naman ang tambayan naming tatlo," si Rob.

"Yaaay, gusto ko yan, hindi ka ba pagagalitan magabihan Colline?" tanong niya sa kaibigan na kanina pa pinapakiramdaman ang nangyayari.

"hindi naman, nakapagpaalam naman ako ng maayos kay Mom," nahihiyang tugon nito. Napalingon ako sa katabi kong si Rob na para bang natutulala.

"Hoy! ayusin mo nga 'yan, nadudumihan ako sa pagkakalat mo, Dre!" asar ko sa kaniya, para mapalingon si Colline sa gawi niya. Napaayos naman siya at sinipa ako sa baba, napatawa tuloy ako.

Hindi na rin kami nagtagal, nagpaalam ang dalawa para bumili ng librong kakailanganin nila. Kaming tatlo naman ay pumunta sa game zone, "FRENNY! Hoy dito tayo," narinig ko para mapalingon ako sa gawi noon, pamilyar ang boses pero dahil sa rami ng tao ay di ko na naabutan papaalis sa game zone.

"Dre tara na! ito na ang ticket," nasulyap pa ako pero wala na talaga.

Kinuha ko ang ticket at sumunod sa kanilang dalawa. Pumasok kami sa isang barilan sa loob, 'yong kami mismo ang hahawak ng laruan na baril. Kaming tatlo ang magkakasama at may mga kalaban kami.

Live' yon, kaya marami ang nanunuod sa labas at makikita ang rank namin. Pinasuot kami ngayon ng protection, dahil pagnatamaan ng bala na artificial ang armor na suot namin ay bawas puntos na 'yon.

"Alam kong mananalo na naman tayo dito, tapos ang nasa highest rank ay si Kiej! lagi na lang naman ganito," kampanteng sabi ni Rob habang sinusuot ang armor niya.

"huwag kang kampante, may damulag tayong kalaban," napalingon kami sa kabila, para matingnan ang mga kalaban naming palaban. Ang lalaking mataba naman ay parang palaban na naghahamon sa amin.

"HAHAHAHA! Patay nga tayo diyan," natatawang sabi ni Rob para idaan sa kaba ng kaniyang nararamdaman.

Nagsimulang hiningi noong babaeng operator ang codename namin, alam ko makikita ngayon sa big screen na nasa labas ng game zone ang pangyayari. Lahat ay nag-aabang, "Wolly Darken" sabi ni Rob.

"Venom," si Harry.

Papunta sa gawi ko ang babaeng operator, "sa inyo sir? anong codename?" tanong niya.

"Delabin!" sabay ng dalawa dahil alam nilang 'yontl talaga ang ginagamit ko. Kinuhanan rin ang kabilang panig ng mga codename, at dahil sa live' yon ay may mga ID picture rin kami para sa ranking.

THE ONE WHO GOT ME - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon