Chapter 142

1.5K 96 67
                                        

Amanda's POV.

PAANO ko makakalimutan lahat ng ginawa nila sa akin. Ang pagtataksil at ang paglilinlang na tinamo ko ay nagbigay ng matinding sugat sa aking pagkatao. Kung saan ay kahit sa aking pagpikit ay daladala parin ang alaala sa aking nakaraan.

"Deberías comer" [Kailangan mong kumain] asik ng tagabantay. Nakayakap ako sa aking tuhod habang nakaupo sa isang sulok ng isang selda roon.

Nanginginig akong kinuha ang tray na nilagay ang isang pagkain at tubig sa mangkok. Nangangapa akong kunin 'yon na parang pulubi, maraming galos, sugat at gulong gulong buhok. Hindi rin nakakaligo at bakas ang pangangayat. Napaisip ko ang tungkol sa anak ko, ang kaniyang ngiti ang kaniyang maliliit na kamay at ang kaniyang mukha.

"¿Puedo ver a mi hijo?" [Pwede ko bang makita ang aking anak?] pagmamakaawa ko sa tagabantay na babae. Ang kaniyang suot na kalasag, ang pana sa kaniyang likuran at ang espada.

Napalingon siya sa akin, nakikita ko ang awa sa kaniyang mga mata. "Lo siento majestad," [Paumanhin kamahalan] Yumuko ito upang magbigay galang. Nasa labas siya ng selda habang ako ay napahawak sa relis nito habang kinakausap siya.

Batid kong wala naman talaga siyang magagawa sa kalagayan ko. Walang makakapagligtas sa akin, kahit ang pamilya kong nasa kataas taasan. Lumuluha akong kinuha ang pagkain na nasa aking harapan, ilang ulit kong tinanggihan ang pagkain noon ang pag-inom ng tubig. Nagawa ko na ring tumakas pero hindi ko magawa dahil sa marami sila, kahit hinirang ako bilang tagapagmana ay may karapatan silang saktan ako dahil sa kasalanan na ginawa ko.

"Su Majestad, el juicio está por comenzar," [Kamahalan, ang paglilitis ay magsisimula na,] usal nito. Na isang umagang pinagbihis nila ako ng isang Royal gown para sa aking litis, dalawang taon na ako sa bilangguan.

Hindi ako sumagot ng ako'y paliguan ng dalawang helper, kung paano ayusan ng mga taga ayos. Nilagyan ng kung ano ano sa mukha, ang ayos ng aking buhok. Alam ko ngayong araw ang kamatayan ko, kung saan ay ikakaharap ako sa mga tao sa palasyo. Kung saan ay makikita ang aking kamatayan at sasabihin ang kasalanan ko.

Masama bang magmahal sa hindi kauri.

Masama bang ipaglaban ang bawal na pag-ibig?

Ayaw kong maging tagapagmana, wala kang kakayahang magmahal pa. Maraming responsibilidad na kakaharapin. Gusto ko magkaroon ng pamilya at sariling anak.

Nawala ang mga ito sa isang iglap, ang asawa kong kinamuhian ako at sinisisi ako sa nangyaring pagkamatay ng anak namin. Ang anak kong alam kong may puwang sa puso ko na hindi pa ito patay, na alam kong nandiyan lang siya. Pumatak ang luha sa aking maalala ang lahat ng nangyari sa buhay ko dahil sa pagtitiwala sa mga tao.

"Bakit kailangan pang ayusan kung mamamatay rin naman," walang emosyong sabi ko. Nagkatinginan ang dalawa na tila ay nababaliw na ako dahil sa sinabi ko, hindi nila ito maintindihan.

Ilang minuto rin ay natapos at napatayo ako. Ang isang maharlikang suot kong kulay pula na may mahabang manggas, kung saan ay nag-aagaway ang kulay itim at pula. Nakikita ko na kung saan ako pupunta dahil pinaghandaan ng palasyo ang aking kasuotan.

"Ella es bonita," [Ang ganda niya,] bulungan nila. Napangiti ako, hindi dahil sa paghanga nila dahil 'yon ang huling araw ko sa mundo kaya kailangan kong ipakita ang ngiting hindi na masisilayan ng iba.

Darating ang araw na sisikat ang araw at buwan ng sabay, at ang pagsibol noon ay ang kalayaan ko. Pangako.

Napapikit ako na sinabi' yon sa sarili na alam kong impossibleng mangyari dahil ito na ang oras upang magpaalam na sa mundong ibabaw. Naglakad kami sa hallway ng malawak na selda, ang selda na pinaglagyan ay malayo at ako lang mag-isa. Sumigaw, kumanta o kahit anong gawin mo ay hinding hindi ka maririnig dahil ikaw lang ang tao.

THE ONE WHO GOT ME - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon