A/N: May update tayo bukas ng gabi. Thank you Loves sa votes, follow and mga comments niyo. Hindi niyo iniwan sa Season 2, please huwag niyong iwan ang dami pang mangyayari. 💖
Lhex's POV.
"Magpahinga ka," sambit ko.
Matapos ko siyang asikasuhin at ihatid sa hacienda ay umalis agad ako. Nagpaalam ako dahil may pasok na ako. Kailangan kong makahabol dahil Finals namin ngayon sa major subject.
"Aalis na kayo Mam. Lhex?" tanong ni Ate Rose.
"Hmm, paki check na lang si Delabin."
"Sige Mam. Lhex, papunta na rin ang Doctor dito," sagot niya.
"Salamat," sagot ko.
"Wala po kayong dalang kotse Mam."
Napahinto ako at napatingin sa labas. Hindi ko naman pwedeng gamitin ang kotse ni Delabin dahil may pasok siya bukas. "Ipapasundo na lang po kita sa—"
"Okay lang," sagot ko.
"P-Po? May bisekleta po ako. Kahit sa gate lang Mam. Lhex, baka kasi nagmamadali kayo."
Wala naman akong choice kundi hiramin 'yon. Mabuti na lang talaga at hindu nagloko ang bisekleta ni Ate Rose. Pagkababa ko sa gate ay pinaubaya ko sa gwardya ang bisekleta. May dumadaan na bus roon. Masyadong private ang lugar ng hacienda.
Ilang minuto rin ako naghintay upang makasakay sa bus. Pagkauwi ko ay agad kong inayos lahat ng mga gamit ko at sarili para pumasok. Pinaandar ko ang motor nang mabilis pa upang makahabol.
"You're late!" sigaw ng prof namin.
Napaupo lamang ako. Wala na akong oras para sagutin siya, mabuti na lang ay binigyan ako ng test paper para simulan ang law subject ko. Mabuti na lang ay nasagutan ko naman ng maayos lahat.
Nagmadali akong pumunta sa canteen para bumili ng cheesebread at mineral water, pabalik sa classroom. Magsisimula na ang ikalawang subject para sa Accounting 102. Lahat ay nagr-review habang ako ay iniisip kong kamusta na kaya si Delabin.
To: Abnoy
Kamusta..
Inerase ko naman agad dahil baka natutulog na ito. Ibinalik ko ang aking cellphone dahil dumating naman agad ang ikalawang major prof namin para mag umipisa. Matapos ang araw na 'yon ay naglakad ako sa hallway para umuwi.
"Narinig ko nga, lagi ngang nakabantay ang babaeng 'yon kay Kiej."
"She's quite beautiful."
"Oo nga, she's like pure Pilipina dahil sa dating niya."
"Oo nga, I agree. Kaya no wonder na maghihiwalay si Kiej and Lhex dahil sa kaniya."
"Come on, ano bang laban ni Lhex roon? She's like a trash?"
"Hahahaha—Ops!"
Nang dumaan ako sa side nila. Ayaw ko man maging interesado pero narinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi naman talaga magkailang maganda nga si Gabriella. Some of the students ay nakita siya sa labas upang salubungin si Delabin.
Kahit sa pagmamaneho ko ay parang nandoon lang ang iniisip ko. Papunta ako ngayon sa hacienda nila, kahit gabi na ay kailangan ko siyang makita at e check ang kalagayan niya. Napahinto ako dahil sa pagtaas ng kamay ng gwardya para e check ako.
"Kayo pala Mam. Lhex, pasensya na po. May chinicheck po kami," sambit ng gwardya.
"Bakit?"

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Novela Juvenil[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.