Lhex's POV.
Dala nga namin ni Delabin ang isang kabayo papunta sa bukuhan. Siya ngayon ang nagpapatakbo habang ako ay nasa likuran at nakasakay. Hanggang sa makarating kami sa bukuhan at nandoon na nga ang mga trabahante. Napalingon silang lahat sa amin na nakakarating lang.
"Nandiyan na si Kuya Kiej!!" sigawan ng mga bata roon.
Halos lahat sila ay hinihintay ang pagdating namin. Naunang bumaba si Delabin at inalalayan akong makababa rin.
"Hi ateeee!" bati ng mga bata sa akin upang mapangiti ako, pero parang natakot ata.
-______-
Inaanyayahan nila kami papunta roon sa malaking mesa, may nakakabit na mga ilaw at may desinyo pang ginawa. Kung saan ay nakita ko ang apat na magkakaibigan, inaayos nila ang mesa. 'yong nagtanong ay kumakaway sa akin, hindi ko naman pinansin kasi baka hindi ako ang ki awayan niya.
"Matagal tagal rin kayong hindi nakapunta dito," sabi noong babaeng katandaan lamang ni Ate Rose.
"Oo nga po, naging-abala po kasi kami sa pag-aaral," sagot naman ni Kiej.
Napatingin sa gawi ko ang babae at napangiti. "Natanggap niyo po ba ang pinadala kong kakain at prutas Sir Kiej?" masayang sambit niya. Hindi ko alam kung pinaparinig niya lang ba sa akin ang tungkol roon.
"Salamat po talaga," pagpapasalamat ni Delabin.
"Batid kong nakita niyo ang anak kong si Gabriella," pagm-mention nito sa anak na babae.
Bakit kailangan itanong niya pa 'yon? Hindi naman makasagot si Delabin sa sinabi niya. "Kakauwi niya lang rin kahapon dahil sa biglaan pagsalo salo ngayon. May dometoryo kasi siya malapit sa pinapasukan niya," pagk-kwento niya. Nasa likuran naman ako nila, alam kong nababahala si Delabin dahil gusto niyang lumingon sa akin pero hindi nito magawa. Nakapulupot kasi ang kamay noong Nanay ni Gab.
"A-Ah ganoon po ba?" naiilang na tugon niya.
Pinagmasdan ko lamang ang mga nakahain, maraming prutas at kung anong mga pagkain na nakakatakam. Napabuntong hininga lamang ako dahil hindi ko man lang malasahan ang mga ito.
"Ella!" tawag nito sa kaniyang anak. Napatayo siya at pumunta sa harap ng mga ito kaya napalingon ako sa ibang espasyo kung saan ay nakita ko si Ate Rose nadala ang kaniyang alagang si Snoffy.
"Inay?" tawag niya rito.
"Ito pala si Sir Kiej, ang apo ni Dean Suarez," pagpapakilala niya. Nakita ko kung paano namula ang kaniyang pisngi, napakuyom ko naman ang aking dalawang kamay.
"Magandang gabi," napayukong bati niya rito. "Ako si Gabriella, tawagin mo na lang ako Ella o Briel," nahihiyang sambit niya. Alam kong nahihiya siya ngayon, umalis naman ako at may biglang lumapit sa akin.
"Mam. Lhex!" tawag ni Ate Rose sa akin.
"Ate Rose," sagot ko.
"Pagpasensyahan niyo na po, hindi pa nagsisimula ang salo salo. Hinahanda pa kasi nila," paghihingi niya ng pasensya.
"Ay okay lang, isa lamang ako sa panauhin," sambit ko.
"Naku! Nakakahiya talaga, maiwan ko muna kayo Mam. Lhex, ihahanda muna namin ang mga kulang."
Napatango lamang ako sa kaniya. Binati naman ako noong mga trabahante at pinaupo sa isang silya. Nakita ko pang tudo effort ang asawa ni Mang Birhil sa pakikipagpakilala sa anak. Na halatang naiilang na ang mga ito. Pinagmasdan ko lamang silang dalawa.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Teen Fiction[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.