Chapter 132

1.7K 112 51
                                        

Kiej's POV.

"Good morning Balii," bati ko sa kaniya. Naramdaman kong inaantok parin siya, hinalikan ko naman ang kaniyang noo at inayos ang kaniyang buhok. Inayos ko ang comforter sa aming dalawa. "Merry Christmas," bati ko sa kaniya. Napalingon ako sa orasan kung saan ay nasa 11AM na, 3AM na pala kaming nakatulog.

Niyakap niya ako at siniksik ang sarili sa aking dibdib. "Goodmorning," namamaos na sambit niya.

"Akala ko ba aalis tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Hmm, 5 minutes."

Napangiti naman ako. "Naghihintay na ata si Grace sa atin," sambit ko sa kaniya.

Humiwalay siya sa kaniyang pagkakayap tsaka umupo sa kama, napaupo narin ako. Ang gulo ng buhok niya. Umalis ito sa kama at tinungo ang banyo, napatawa naman ako. Parati ko naman siyang nakikita sa tuwing nagigising siya pero ang araw na ito ay mas lumala ata.

Tumayo ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Inayos ko ang buhok patalikod, lumabas naman si Lhex. Nakawash na siya ng mukha at nakapagtoothbrush na ata. May binili na kasi akong toothbrush para sa kaniya, kahit ata sa condo ko ay meroon na.

Napalingon siya sa gawi ko at lumapit. Nabigla ako dahil niyakap niya ako, napayuko ako para tingnan siya. "Aalis kaming papunta ng Madrid," sambit niya.

May kung anong kirot ang naramdaman ko. Naalala ko naman na magkasama kami noon sa Madrid pero hindi man lang namin na enjoy ang tatlong araw. "Gusto mo bang samahan kita?"

"Tss, hindi pwede. Kailangan ka ng Daddy mo dito."

Oo nga. "Doon kayo magbabagong taon?"

"Hmm," sabi nito.

Gumuhit sa mukha ko ang lungkot pero wala akong magawa kundi intindihin ang sitwasyon. Aalis sila dahil bibisitahin daw nila ang labi ng kaniyang Ina roon, bakas sa tono na hindi ito kumbinsido. Pakiramdam ko ay may gagawin pa siyang iba roon.

Magkasabay kaming bumaba. "GOOD MORNING MGA ANAK!!" masiglang bati ni Mommy na nakaayos pa.

"Good morning Mommy," bati ko sa kaniya sabay halik sa pisngi niya.

"Good Morning, Tita," bati rin ni Lhex sa kaniya.

"Good morning daughter in law!" masayang sabi niya na may pangangasar na nakatingin sa akin.

"Saan ang lakad mo Mom?" tanong ko sa kaniya.

"Bibili ako ng mga bilog na prutas, I'm so excited sa Bagong taon!" masayang sabi nito. Ngayon ko lang ulit nakitang masaya si Mommy at walang sakit.

"Keep safe Mom," sabi ko na lamang.

"Ako pa ba? Kumain na kayo, babyeeeee!" Kumakaway na sambit niya habang pababa ng hagdan.

Napalingon ako kay Lhex. "Do you wanna build a snowman?" seryosong sabi ko.

"Tss!" Napapailing na sambit niya hahang ako ay tumatawa.

Pagkababa namin sa dining ay nakahain na nga ang pagkain. Sigurado akong pumasok na si Ate Jasmine sa kaniyang trabaho while si Dad rin. Hinila ko ang upuan upang maupo si Lhex roon.

Kumuha rin ako ng mga plate para sa aming dalawa. "Ihahatid kita sa 'nyo," sambit ko habang pinupunasan ang mga utensils.

"May damit akong dala, kukunin na lang natin si Grace," sagot nito.

"May dala kang damit? Hindi ko man lang napansin," gulat na sabi ko sa kaniya.

"Tss, excited ka lang na makasama ako," napapailing na sambit niya.

THE ONE WHO GOT ME - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon