Lhex's POV.
"Merry Christmas!!" sigawan naming apat, kung saan ay kasama ko si Amelia, Amnasha at Chairman. Nandoon rin ang ibang helper, nandoon rin si Grace.
"Merry Christmas, Papa," bati ni Amelia kay Chairman Eclipse.
"Merry Christmas, Amelia," sabay halik sa pisngi nito.
"Merry Christmas Dad." Lumapit si Amnasha sa kaniya upang bigyan siya ng halik. Bakas sa kanilang mga labi ang saya, habang ako ay tanaw ko ang labas kung saan ay may sari saring fireworks.
"Merry Christmas, Amnasha," bati rin nito pabalik sa kaniya.
Napalingon ako sa gawi nila kung saan ay hinihintay akong bumati, napabuntong hininga naman ako. "Merry Christmas," walang ganang bati ko sa kaniya. "Lolo Dad," dagdag ko pa. Napakademanding niya, kailangan raw kasi may ganoong tawag para maramdaman na tanggap ko na sila.
Sino nagsabi? Hinding hindi ko makalimutan na kayo ang may gawa nito sa pamilya ko.
Hindi ko batid kung bakit kaya nilang magsaya, na alam nilang may nagawa silang kasalanan. Hindi ko alam bakit kaya nilang maparamdam sa akin ang pagmamahal ng isang pamangkin na hindi nakokonsensya.
Ang hirap maging maobserba sa lahat ng bagay, lahat nakikita mo kung ano ang mali at mapapaisip ka na lang.
Niyakap niya ako at bakas sa kaniyang ngiti na masayang masaya siya na nandoon ako sa kanilang tabi ngayong Pasko. Hindi nagtatapos ang salo salong 'yon, maraming mga regalo ang nandoon sa hindi naman masyadong kalakihang white Christmas three. Maraming mga Christmas balls and decoration na may mga Christmas lights. Sa ibaba noon ay may mga regalo na alam kong ipamimigay ni Chairman.
Wala naman akong balak ibigay, matic na agad na alam nilang studyante palang ako. Hindi ko rin aasahan na may ibibigay silang regalo sa akin, lalong lalo na ang dalawa.
Sabi ni Chairman, siya, si Amelia at Amnasha ang may mga regalo na nandoon. Kung saan ay ipamimigay nila. Marami kami roon, lahat ata ng helper ay nandoon. Ngayon ko lang napagtantuhan na naninirahan pala ito sa likuran, ganoon na ba ako ka hindi mausisa sa pamamahay na ito.
Lahat ng helper ay doon nakatira. Kaya sama sama ang lahat, tinuturing nilang pamilya ito. Nandoon si Lucas at ang isang babae, narinig kong tinawag siyang Nemia ni Chairman.
Sa mahabang mesa ay maraming handang nakalatag. Nakaupo si Chairman sa dulo habang sa gilid ay sina Amnasha na katabi si Lucas at sa kabila ay si Amelia na katabi ako. Si Nemia naman ay kasunod noong kay Lucas. The rest ay mga helper na, nandoon naman si Grace na masayang masaya dahil sa pagkaing nasa harap niya.
"Malaming pagkain Nanay," sambit niya habang may pagkain pa sa kaniyang bibig.
"Oo, kaya kumain ka ng marami," sabi ni Ate Len.
"Opo, Melly Chlismas Nanay." Napalingon ito sa kaniyang Tatay na nasa kabila. "Melly Chlismas Tatay," bati niya. Napangiti naman ito at hinalikan ang noo niya.
Nakakainggit.
Napalingon si Grace sa gawi ko. "Melly Chlismas ate Lhex," bati niya. Nagulat naman ang magulang niya dahil sa kilala ako, ngumiti naman ako at napatango.
Nagsalo-salo nga ang lahat sa pagkainan, walang lamangan ang nandoon. Lahat ay tinatratong kapamilya. Nagcount down kami kanina, may mga fireworks na hinda si Chairman.
"Ang regalong ito ay para kay Grace!" masayang sabi ni Amnasha na itinaas ang regalong malaki. Nagpalakpakan naman lahat, nagpacute na bata ni Grace dahil nahihiya itong tanggapin ang kaniyang regalo.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Roman pour Adolescents[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.