Lhex's POV.
Tss.
Para kaming mga bata na nagkahiyaan ni Delabin. Fuuuuck! Bakit ginawa ko 'yon? Ang ingay niya kasi, hindi pa nakontento talaga ang lalaking ito. Pinagpawisan tuloy ako at parang mga pipe kami dahil sa walang nagsasalita sa aming dalawa, matapos naming habulin ang mga hininga sa pagkakahalik. Namasa tuloy ang aking palad at naikuyom ko 'yon, paniguradong aasarin ako ni Ara dahil roon.
"Okay lang kayo?" si Ara na papunta sa gawi namin.
"Hmm," sagot ko.
"Luto na ang pagkain, chibugan na tayo!" sabay tawag niya na pasenyas sa amin.
Loko to!
"Tara na," sabi ko kay Delabin. Tiningnan ko siya at napaiwas pa talaga, bakas ang pamumula ng tenga niya.
HAHAHAHAHA!
Apektado. "Woy!" tawag ko pa.
"A-Ah Oo," nauutal pang sabi nito.
Tumayo ako na parang walang nangyari, dahil kung paiiralin ko ang nararamdaman ay baka mas lalong magkailangan kaming dalawa ni Delabin. Parang gusto kong itampal ang palad sa aking noo dahil sa ginawa ko sa kaniya, hindi ko alam kung nabigla ba siya o ayaw niya sa ginawa kong 'yon.
Lheeexien!!
Hanggang sa pag-upo namin sa highchair ay pinagmasdan kami ni Ara na tila ay inuusisa niya ang bawat kilos namin. Hindi ko ininda 'yon, si Delabin naman ay nagtitimpi ng kilos at kinuha na ang utensils tsaka pinunasan. Nilagay 'yon sa plate ko na parang walang nangyari.
"Teka teka nga! May nangyari ba na hindi ko nalalaman ha?" nakataas ang kilay na tanong ni Ara sa aming dalawa.
"Meroon," sagot ni Delabin. Nabitawan ko tuloy ang tinidor mabuti na lang ay hindi tumama 'yon sa plate ko para gumawa ng tunog.
"Ano naman?" tsismosang tanong ni Ara na nakangiti pa, tila ay inaasar pa ako.
"Nagugutom na ako," sabi ni Delabin upang mapakunot ang noo ni Ara.
"Ganoon lang?" na parang nabibitin sa sasabihin ni Delabin sa kaniya o nay hinahangad pang sasabihin pa ito ngayon.
"Kumain na tayo," sabi ko sabay senyas kay Ara na kumain narin siya.
Wala naman ako sa wisyong naglagay ng mga pagkain sa plate ko dahil sa kahihiyan ko kanina. "HOY! mauubos mo 'yan?" sabay turo ni Ara sa plate ko.
Wooh! Pasimpleng gesture ng bibig ko at binitawan ang sandok. "O-Oo," sagot ko. Ngayon ay naghihinala na talaga si Ara, napapatango siya na hindi naniniwala sa amin ngayon.
"Tingnan natin kung mauubos mo," paghahamon niya. Gusto ko tuloy magsisi sa mga pagkaing nilagay ko sa plate ko, dahil alam kong di ko naman mauubos 'yon.
NAKNANG!!! "Mauubos ni Bal 'yan," pagc-cheer ni Delabin sabay lagay ng isa pang ulam doon sa plate ko. Mapapamura ako sa walang oras ngayon dahil sa ginagawa niya. Samahan pa ng asar ni Ara na tumatawang napapatango na nakikisang-ayon, si Delabin na hindi alam na hindi ko makakayang ubusin 'yon.
The result— mag-isa na lang akong kumakain ngayon sa mesa, hindi ako umiinom ng tubig dahil baka mabusog ako. Lakas rin pala ng ihip ng bituka ko, go na go siya ngayon sa kainan. "Hoy kayo na maghuhugas, matutulog na ako byeeeeeee!" nakangising si Ara habang kumakaway.
"Aysh!" inis kong singhal. Napalingon ako kay Delabin na nakatayo ngayon habang pinagmamasdan ako sa pagkain.
"Bawal masayang ang mga pagkain, kaya dapat ubusin mo lahat ang mga 'yan," sabay nguso ng mga pagkain na nasa plate ko.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Teen Fiction[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.