Kiej's POV.
Sabay nga kaming nagreview ngayon, kahit gabi ay tahimik kaming nagbabasa lamang. Nagpipindot siya sa kaniyang calculator habang may binabasa, she tried to calculate the problem sa chapter na 'yon.
Napangiti naman ako dahil sa tuwing hindi niya nakukuha o hindi siya sigurado ay napapainom siya ng tubig ng nasa harap niya. Ang sabi niya sa tuwing nagbabasa siya dapat ay may tubig sa harap niya.
"Tapos ka na?" tanong niya. Nang mapansing nakatingin lamang ako sa kaniya.
"Hindi pa," pagsisinungaling ko. Tapos na ako, pero ayaw kong sabihin dahil baka pilitin niya akong matulog mauna dahil may pasok pa ako bukas.
Minor subject ang unang subject ko bukas, alas nuebe ng umaga. Sinisilip ko naman siyang naiinis, tsaka ko lang malalaman pag nakuha niya pag napapabuntong hininga siya at ibabalik ang kaniyang mga mata sa ibang items.
"Mahirap?" tanong ko sa kaniya.
"Sobra," sagot niya.
"Matalino ka daw 'yon ang rinig ko," usal ko sa kaniya. Nasa ibaba kami ng couch habang kaharap ang maliit na mesa sa gitna at doon nilatag ang mga materials namin.
Sinandal ko ang sarili sa ibabang bahagi ng couch. "Fake news," sagot niya tsaka nilapag ang lapis at uminom ng tubig.
"Weh? pahumble ka naman, Bal."
"Tss, ayaw maniwala."
"Naniniwala kaya ako, pero impossible kasi marami silang nagsasabi na magaling ka. Binabara mo nga 'yong major mo?" natatawang sabi ko. "Baka mabagsak ka niyan," may pag-aalalang usal ko.
"chism'so, e!" nakangising sabi niya habang nagsusulat na naman.
"Saan?"
"Tungkol sa'tin, ikaw ba naman pagtripan, sige nga."
Natawa naman ako para mapahinto siya. "Bal, ang cool mo," hindi mawala ang ngiti ko habang sinasabi 'yon.
"Pero totoo, seryoso naman si Sir baka magpapaturo siya ng calculus sa'yo," seryosong sabi niya.
"Eh?"
"Ayaw mo noon?"
"Ayaw ko syempre!" sagot ko sa kaniya agad.
"Pagtripan kaya natin, kunyari sinabi kong papayag ka."
Halos mamasid ako sa iniinom kong tubig, nilapag ko ang basong 'yon. "BAL!"
Natawa naman siya tsaka umiling, ibinaba na naman ang lapis tsaka ngumiti na tila ay may iniisip. "Delikado 'yang iniisip mo," sambit ko.
"Baka kasi may gusto sayo," tumatawang sabi niya.
"Ang engot mo! Lalaki naman 'yong prof mo!"
"Biro lang, baka nga diba?"
Nagbasa na lang ako, ilang oras rin 'yon. It's already 2 AM, napalingon ako kay Bal, na nakayuko na sa mesa. Ginawang unan ang libro, habang ang dalawang kamay ay nasa mesa rin.
Umusog ako tsaka inayos ang hibla ng buhok niya. "Natutulog na nga," nakangiting bulong ko. Ganoon siya kamantikang matulog dahil hindi man lang nagising matapos ko siyang ilagay sa kama.
Inayos ko ang comforter tsaka hinalikan ang noo niya. "I love you baby." Tumayo na ako at kumuha ng unan at kumot para lumipat sa couch.
"Delabin?" inaantok na tawag niya sa akin. Upang mapalingon ako sa kaniya, mulat nang konti ang kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Teen Fiction[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.