A/N: Good Evening loves, Godbless everyone and stay safe. Thank you for votes, comments and follow niyo.
Enjoy reading.
Kiej's POV.
"MS. VENTURA!!" sigaw ni Ms. Fuentes, hindi ko makita kung sino ang baba sa taas ng bleachers na 'yon.
"ay! Ay! pasensya na po, Ms. Fuentes," rinig ko at nakita ko ngang tumayo si Janeth. Nagtawanan naman ang lahat dahil sa kakulitan nito, bumaba siya na nahihiya dahil sa napatawag siya ng dalawang beses.
"HAHAHAHAHA!"
"next time, Ms. Ventura," pagbabanta nito sa kaniya.
"Hindi na po mauulit Ms. Fuentes," makulit na magalang ang tono noon para mapatawa ang lahat.
"I like her," napalingon kami ni Rob sa kaniya. "Why?!"
"dre?! Hindi mo naman sinabi na ganiyan kaloka ang mga gusto mo," natatawang pangangasar ni Rob sa kaniya.
"ewan ko sayo pre!" tsaka tinuon ang pagtingin kay Janeth na nagpapakilala.
"siya 'yong kasama noong babaeng umagaw ng libro at the same time ang kaklase ko," napalingon ako kay Jia habang sinasabi' yon.
"seryoso ka?" hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko sa kaniya.
"Oo naman! right Colline?" tanong sa kaibigan.
"Oo, sila 'yon," mahiyaing sagot nito.
Si Lhex? Napangiti naman ako kung gaano siya kagaling, at inaalala ang mga kwento ni Jia noon. Kung noon ay parang wala akong pakealam sa kinukwento niya, ngayon ay gustong gusto kong pakinggan. Dahil ang babaeng iniisip ko sa mga oras na 'yon at pinag-uusapan nila ay parehas lang.
"Janeth Ventura, A.K.A NENETHA NG BAYAN!!" pang Ms. UNIVERSE na pagpapakilala niya para mapatawa ang lahat.
"Bakit niyo napili ang skwelahang ito?" tanong ni Ms. Fuentes sa kaniya, napatingin siya taas. Hindi ko alam kung ano ang tinitingnan niya, at hindi ko makita 'yon.
"Unfortunately, hindi ko balak na lumipat sa ibang school," seryosong sabi niya tsaka ngumiti, "but kailangan kong e push kasi gusto kong makitang masaya ang taong matagal ko ng hinahangaan. Hindi po lalaki ha?" paninigurado niya, "pagnakikita ko po kasi siya wala pa roon ang saya sa mukha niya, oo hindi ko mabasa ang mga reaction o nararamdaman niya. Pero 'yong tipong may kulang pa sa kaniya, kaya noong sabi ng school namin na may scholarship na dumating pinilit ko ang taong' yon na magtake. Kaya tudo aral ako, e siya? dakilang matalino siya, kaya pursigido ako. Nagbabakasakaling dito pala ang hinahanap niya," ang mga mata ni Janeth ay nabaling sa akin. Gusto ko man hinalaan ang mga sinasabi niya, ay ayaw ko.
Ayaw kong umasa.
"Napakacaring mo naman Ms. Ventura," aniya ni Ms. Fuentes na nat-touch sa kwento nito.
"Yes naman Ms. Fuentes, mahal kasi ako ng taong 'yon. Kaya hindi hindi ko siya iiwan, magkamatayan ma't lahat nandito parin ako sa tabi niya," malakas na sabi niya na parang doon siya nags-stand.
"Very good, thank you Ms. Ventura,"
"Thank you rin po," napayuko siya tsaka bumalik sa kinauupuan niya.
"Next, Lhexien Vien Jules Macalintal." sa pangalan na 'yon ay parang kinabahan ako. Bumaba siya ng walang lingunan sa mga nakakasalubong niya.
"She's my classmate,' yong kinukwento ko sa inyo," si Jia. "yung kumuha ng libro na bibilhin ko at ang nagpapainit ng ulo ng mga prof namin sa major," dagdag niya pa.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Teen Fiction[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.