Kiej's POV.
Hinatid ko naman si Jia sa kaniyang classroom, wala pang masyadong studyante sa mga oras na 'yon, kayang walang nanunukso. Nakaramdam ako ng konsensya dahil di man lang kami nagkausap, ang dami kong ginagawa tulad na lang ng pagaasikaso sa hacienda. Nangangamba ako dahil may rebeldeng gustong pumasok, kaya pagkatapos ng klase ay didertso agad ako.
Hindi ko na rin naiisip si Lhex dahil sa sobrang wala ng oras para gawin 'yon, sa sobrang pagod ay nakatulugan ko na lamang. Nandito kami ngayon sa isang com lab kung saan ay nagtuturo ang Prof namin, napatingin ako sa aking cellphone dahil biglang bumukas ito. Na hudyat na may nagtext na naman.
Fighttttiiinggg Oppaa! - Jia
Napailing na lang ako, dahil araw araw siyang nagt-text minsan ay hindi ko na nababasa 'yon. Pero sa tuwing naiisip ko ang effort niyang makilala ko siya, ang pagsasabi niya na gusto niya ako. Ay walang dahilan para saktan ko siya, wala akong karapatan roon. Pero gusto kong sabihin sa kaniya na wala akong nararamdaman.
"nakangiti na naman!" pangangasar ni Rob. Mahina lang 'yon, para mapatingin ako sa kaniya.
Napailing na lamang ako, tsaka nakinig sa prof namin sa harapan.
DISCUSSED..
DISCUSSED..
DISCUSSED..
"class dismissed!" usal ng Prof tsaka umalis, nagsitayuan naman kami para ayusin ang mga gamit namin.
"mauuna na ako," nagmamadaling sabi ko.
"ha? Uuwi ka na agad pre?" tanong sakin ni Harry.
"Oo kailangan kong makauwu ng maaga agad dahil sa hacienda," usal ko sa kanila.
"iba ka talaga dre! Basta mag-iingat ka," napatango naman ako, tsaka lumabas ng classroom. Maraming bumabati sa akin sa hallway, tanging ngiti lamang ako naging sagot ko dahil sa pagmamadali.
Agad akong naglakad papunta sa labas para kunin ang kotse, pinasok ko ang bag sa kabilang side ng driver sit. Tsaka umikot para sumakay pero napansin kong flat ang gulong nito. Napasapo ko na lamang ang aking noo dahil doon, "Bakit ngayon pa?" naiinis kong usal.
Napasandal ako na tila hindi alam anong gagawin ko. Gusto kong magmura dahil nagmamadali akong umalis para makapasok agad ng hacienda pagsapit ng takipsilim. Dahil sa mahigpit na pagbabantay ni Lolo sa hacienda.
Biglang may humintong motor sa harap ko, kaya sa aking pagkakayuko ay napalinga ako. "problema?" isang salita lamang 'yon pero ang lakas ng epekto sa akin.
Hindi ka niya gusto.
"w-wala," sagot ko.
"Tss, sakay." napalingon ako sa kaniya na nakakunot ang noo.
"I have a car," pagyayabang ko, naiinis ako sa kaniya. Dahil nagkita nga kami ay wala man lang siyang balak na kausapin ako, kaya tinatak ko sa isipan ko na Hindi niya pala ako gusto!
"sinong nagsabing wala? kitang kita ko pa nga," kaswal na sabi niya.
"pwede ba Lhex! wala akong oras para makipagbiruan o makipagbarahan sayo," napatawa naman siya. Kaninang naiinis ay para bang nawala 'yon dahil sa ngiting pinakita niya.
"seryoso ako," blangko ang kaniyang mga tingin sa akin.
"hindi nga ako sasakay," naiinis kong sabi. Gusto ko pero hindi pwede, lagi na lang akong—.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Teen Fiction[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.