Third Person's POV.
Pauwi na ngayon si Felix sa bahay nila, pagpasok niya palang ay bumungad na agad si Aira, si Michelle at si Caleb sa pintuan. Napatingin siya sa mga ito na tila ay inaalam ang mga reaksyon, nakaformal attire ang mga ito na may lakad na pupuntahan.
"Felix, anong oras na. Hinihintay ka namin ng mga anak mo!" galit na galit na giit ni Aira sa kaniya.
Napakunot niyang nilingon si Aira na iniisip ang tungkol sa lakad. Napabuntong hininga siyang Wedding Anniversary pala nila ngayon. "Dad nakalimutan mo na ba?" tanong ni Mich sa kaniya.
"I'm so sorry, If nakalimutan ko ang araw na to." Kukunin niya na sana ang kamay ni Aira pero agad nitong inalis.
"Lagi mong nakakalimutan ang Wedding anniversary natin, Felix." Nagtatampong sambit nito.
"Dad ilang oras na kaming naghihintay sayo, late na masyado Daddy." Naiinis na sambit ni Mich sa kaniya.
"I'm so sorry. Busy lang talaga ako jaya nakalimuta-"
"Daddy, wala ka sa office kanina. Ang sabi ng Assistant mo may lakad ka daw, na hindi involve sa kompanya," seryosong sabi ni Caleb sa Ama.
"What? Kaya ba nakalimutan mo ang oras ng pag-uwi for celebrations it because of that matter?" Hindi makapaniwalang usal ni Aira sa kaniya.
"I'm so sorry, this is all my fault." humihingi ng pasensyang si Felix sa kanila.
"Of course! This is all your fault, anong oras na Felix." sigaw ni Aira.
"Mommy, calm down." Hinawakan ni Mich ang balikat ng kaniyang Mommy upang huminahon ito.
"Ano ba ang dapat kong gawin Felix? Bakit parang sa lahat ng bagay ay nahuhuli ako? Lahat kami, kaming pamilya mo. Bakit parang sa tuwing hindi mo kami naaalala ay may bagay na mas hihigit pa roon ang pinaaglalaanan mo ng oras." Naiiyak na sambit ni Aira sa kaniyang Asawa.
" Aira, Look. Hindi ko sinasadyang malate ng uwi agad."
"What? Sa oras pa talaga ng Anniversary natin Felix? How could you?"
Napalingon si Felix kay Mich and Caleb na tiningnan rin siya. Napayuko naman siya sa mga oras na 'yon, nakaramdam siya nang guilt dahil sa ginawa niya. Hindi nito alam ang tungkol kay Lhex, kaya gusto niyang maayos ang kaniyang pamilya.
Matapos ang pagtatalo ay hindi nga natuloy ang isang lakad sa oras na' yon. Nagtatampo parin si Aira sa kaniyang asawa, paglabas ni Felix sa cr ay agad nitong napansin ang Asawa na nakahiga at nakatalikod pa.
Nagpakawala ito nang buntong hininga, dahan dahan niyang hiniga ang sarili sa kama at hinawakan ang balikat nito. Hinihimas himas niya at binigyan konting halik. "I'm so sorry Aira," mahinang usal niya.
Napapikit si Aira at tumulo ang kaniyang luha. She knows na hindi parin siya mahal ng asawa, at hanggang ngayon ay hindi mapapalitan nito ang dating kasintahan sa puso niya. "Felix, matagal na tayong nagsasama pero bakit hanggang ngayon ay hindi mo kayang piliin ako," mahina niyang hikbing usal.
Napahinto si Felix at pinagmasdan ang asawa, humarap ito sa kaniya. Nakita niya ang mukha nito, inayos niya ang hibla ng buhok na pilit kumakawala sa mukha. Ang luhang lumalabas ay kaniyang inaalis, nilapit niya ang sarili at niyakap. "I'm so sorry, Aira."
"Bakit lagi mo kong sinasaktan? Bakit hindi mo magawang, piliin ako. Bakit sa araw araw nang pagmamakaawa ko ay hindi mo maibigay ang gusto ko Felix?" napakalas siya sa kaniyang pagkakayakap at tiningnan ito.
BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Novela Juvenil[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.