Lhex's POV.
Kahit wala akong tulog ay inampake ko parin ang sariling mga gamit. Hindi niya ako iniwan sa tatlong araw pero parang hindi lang kami nag-uusap at walang kibuan. Marami siyang ginagawa, kausap niya si Rob and Harry. Madalas naman kausap niya si Jia sa phone call, naririnig ko pa sa banyo na parang nag v-video call ang mga ito.
Nasa International Airport na kami. 15 hours again ang flight time sa Madrid papunta Pilipinas, hindi man lang nasulit ang tatlong araw. Ayaw ko siyang disturbuhin sa ginagawa niya. Kung may sasabihin ako ay may tatawag, pag may free time siya ay natutulog na lang o kaya magbabasa ng materials niya.
Naalala kong nagalit siya sa akin dahil naisturbo ko siya. "Pwede ba Bal! kasalanan mo to e, kung hindi mo ko iniscam dito edi sana marami akong nagawa," naiinis na sambit niya habang kaharap ang mga materials na ginagamit niya.
"Sorry," naisambit ko.
"Bal, kung may oras lang ako. Ilalaan ko 'yon sayo, pero ang dami kong ginagawa. Napakaselfish mo naman, kailangan mo pang gawin to para lang magkasama tayo. Hindi mo ko kinonsulta para roon!" giit niya. Napahilamos naman siya dahil may ipapasa daw siyang project at hindi niya magawa ngayon.
Naiwan nito ang mga ibang materyales niya sa Batangas. "Uuwi na tayo bukas," kalmadong sagot ko.
"No! Hindi tayo uuwi bukas, baka ano na naman ang isipin mo! Na pinagkakaitan kita ng oras, hindi ko akalain na attention seeker ka—" Sinamaan ko siya nang tingin. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya, may tumawag naman sa kaniya upang kumalma siya ngayon.
Napatalikod ako noon at napayuko na lamang. Sa pagsapit ng gabi noon I tried to talk to him about my birthday, gusto ko sanang makasama siya kahit dinner lang.
"Delabin," tawag ko sa kaniya.
Kaharap niya ang laptop niya, nakakunot ang noo. Nakatayo ako na nakaharap sa kaniya, agad niyang tiniklop ang laptop niya para makinig.
"Next week birthday ko na," mahinang sabibl ko sa kaniya.
"Do you want us to have a dinner?" direktang sabi niya. Napamaang naman ako saka napatango.
"Hmm," sagot ko.
"Night class ka diba? baka magc-cut ka lang," sagot niya saka sinandal ang sarili sa board ng kama.
"7PM ang uwian ko kaya pwede naman sigurong kumain tayo," sabi ko sabay talikod sa kaniya. Umupo ako sa upuan na kaharap ang vanity para magsuklay.
"Okay, hihintayin kita sa parking lot," sambit nito.
Napahinto ako tsaka ngumiti. "Nakalimutan mo ba ang birthday ko?"
"Ako? Hindi ako katulad mo Lhexien na makakalimutin sa birthday ng taong mahal ko," kontra niya.
Mahal? "Hindi ko nga nakalimutan, hindi ko lang talaga alam," sagot ko sa kaniya.
"Ewan ko Bal, matutulog na ako." Tinaklukbing ang comforter para matulog na nga.
Nang makarating kami sa Batangas ay hindi na nga nangyari ang pag-uusap namin. Kahit ata ang pagtext ay hindi na nagawa.
"Kumain ka, nangangayat ka na," sambit ni Dom habang nasa harapan ko ang tray ng pagkain na inorder niya. May mga libro sa harap ko na hiniram ko sa library.
"Busog ako," sagot ko tsaka pinagpatuloy ang pagbabasa.
"Nakita ko 'yong boyfriend mo! may ginagawa ata siya ngayon?"

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Novela Juvenil[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.