Chapter 139

1.3K 102 29
                                        

Kiej's POV.

Napakalas ako at tiningnan ang kabuuhan ng kaniyang mukha. Kung saan ay hinding hindi ko mawawala sa aking isipan, ang pagmumukhang kahit ipikit ko man ang aking mga mata ay tanging kay Lhexien lang ang makikita. Kahit blangko, walang reaksyon o kahit walang special sa kaniya ay walang makakapantay kung sino siya sa puso ko. Iba ang hatak niya sa pagkatao ko, 'yong tipong araw araw hahanap hanapin mo. Kahit saan ka ay hindi mo makakalimutan, at kahit mabulag ako ay mukha niya lang ay ayos na.

Marami man ang nakakapantay sa kaniya ay hindi nito matutumbasan ang nararamdaman ko sa kaniya. Magkaiba talaga, mawala man siya o nasa harap ko ay parang araw araw hahanapin ko. Kahit isang segundo lang ay hahanapin ko kaagad.

"Woy!" tawag niya sa akin. Napalingon ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. Ang kamay niyang namimink pa, madami siyang ginagawa at matigas 'yon pero kung titingnan ay parang walang kapintasan ito.

Hindi ako makapagsalita dahil binalutan ng pagkabisado sa lahat ng parte ng kaniyang mukha ang ginawa ko. "Nahihirapan kang kumibisado?" Napakunot noo kong tiningnan siyang nakangisi pa. Ang kaniyang dalasang kamay na nasa bulsa ng kaniyang hoodie na kulay itim.

"Kabisado na," sagot ko.

"Hmm," nakangisi na hindi naniniwala sa sagot ko. "Uuwi na ako, pumasok ka na," pag-uutos niya.

"Ano? Bal, gusto pa kitang makasama," nakangusong sabi ko sa kaniya. Totoo, gusto ko pa siyang makasama. Ayaw kong mawala siya ngayon, batid kong hindi na naman ito magpapakita at abala na naman sa kaniyang gagawin.

Mamamatay ata kaluluwa ko. Gusto kong sabihin 'yon sa kaniya."Kahit ako ay gusto kong makasama ka. Hindi ko sasayangin ang bakanteng oras, kaya't pinuntahan kita.'yon rin ang gagawin ko kung natapos na to lahat, ikaw agad ang maiisip kong makasama Delabin," pagpapaliwanag niya. Upang malaman ko na kaya siya nandito dahil ito lamang ang bakanteng oras niya ngayon at ako agad ang pinuntahan niya. Nakakataba ng puso na malaman ang sinabi niyang 'yon, dahil ako lang ang iniisip niya.

"Kailan mo ulit ako bibisitahin?" malungkot na tonong sambit ko.

Ganoon na lang ang paghaplos sa puso ko noong kaniyang hinawakan ang pisngi ko, inaaninag ang aking mukha. "Hindi ko alam, pero asahan mong pag may bakanteng oras ako ay ikaw agad ang pupuntahan ko," sabay ngiti upang maibsan ang lungkot ko. Gusto ko mang paniwalain siyang naiintindihan ko, pero siya si Lhex. Nararamdaman niya agad na hindi ako kontento sa ganito pero kailangan kong maintindihan siya sa mga oras na ito.

Gusto ko siyang tanungin kong anong ginagawa niya bakit ganoon na lang siya ka abala. Pero parang umurong ata ang dila ko dahil may takot na malaman ito. Ang tanging magagawa ko lang ay magtiwala sa kaniyang nang buo na walang pag-alinlangan.

Ihihatid niya ako sa gate.

"Dapat nga ay makita muna kitang umalis," pagrereklamo ko.

"Ikaw ang dapat makita kong pumasok, upang makaalis ako nang maayos," seryoso niyang sagot.

"Bal, ayos lang ako," nakangusong sabi ko.

"Sinabi ko bang hindi?"

"Bal!"

Napangisi siya. "Pumasok ka na, tatawagan kita pagnakarating agad ako," pagpapaliwanag niya. Alam ata ni Lhex na nag-aalala ako sa kaniya sa tuwing wala na siya.

"Talaga tatawagan mo ko?"

"Hmm, tatawagan kita."

"Magdamag?"

THE ONE WHO GOT ME - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon