Kiej's POV.
"Alam mong ikaw ang pahingahan ko, pero nakuha mo pa akong pagalitan. Isipin mo kung ilan taon di tayo nagkita, ay ganoon din kahaba ang pagod ko," nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi niya.
Ako ang pahinga niya.
Wala akong masagot sa sinabi niya, tanging tiningnan ko lamang ang buhok niyang makikita ko. Siguro ngayon ay naririnig niya na ang mabilis na tibok ng puso ko dahil nakatuon sa tenga niya ang dibdib ko. Gusto kong magtago sa kahihiyan, pero si Lhex 'yong tipong hindi ka hahayaang makaramdam ng ganoong klaseng pakiramdam.
"I didn't thought about that.." naiusal ko ng mga ilang sandali.
Tanging pahinga niya lamang ang nararamdaman ko. Ang kamay niyang nasa dibdib ko na tila pinapakinggan ang musikang nandoon. Hinawi ko ang kaniyang buhok para tingnan siya, at nakita ko ang pagpikit ng kaniyang mga mata.
Ngayon ko ulit napagmasdan ang itsura niya. Kung saan ay bakas roon ang pagkapagod, at gustong magpahinga ng matagal. Na para bang araw araw ay umiiyak siya. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi, para dahan dahan niyang iminulat ang mga mata na parang langong lango siya.
"Hindi ka na galit?" parang batang nagtatanong sa kaniyang Mommy kung galit pa ba ito o hindi.
Napakagat labi ako ng tingnan ko ang natural na kulay rosas na labi niya. Hindi pwede! Hindi pwede. Parang namawis ako dahil roon, "Delabin," napatingin siya sa akin, at ngayon ay nakayuko ako para lang tingnan siya na hindi parin umaalis sa position na 'yon. Sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin, sa lahat ng babae sa kaniya lang ako nagkakaganito.
"Ano?" naiinis kong sambit.
Napangisi naman siya na hindi mo alam kung nasasayahan ba siya o ganoon lang talaga ang reaksyon niya sa tuwing naiinis ako. "hindi ka na ba galit?" mahina na para bang naglalambing 'yon. Gusto kong paypayan ang sariling katawan dahil feeling ko ako' yong pinagpapawisan.
"hindi ako galit, pero ang daming tanong na bumuo sa isipan ko ng mga oras na 'yon." habang ang aking mga tingin ay nasa kaniyang mga matang blangko. Hinayaan niya akong nagsasalita sa lagay na' yon, ako naman 'yong tipong natutuliro.
"ask me then," sagot niya.
"marami pang araw, you have to rest now," pinilit kong di mautal sa oras na' yon, napangiti siya at tumango. Napapikit siya sa ganoong position na payapang natutulog lamang.
Ikaw ang pahingahan ko. May kung ano sa tiyan ko ang umalon dahil lang sinabi niyang 'yon. Hindi maialis ang aking tingin sa kaniya, dahan dahan kung inilapit ang aking mukha para halikan siya.
Hinawakan ko ang kaniyang pisngi na hindi parin siya maisturbo sa kaniyang pagkakatulog. Hinawi ko rin ang sagabal na hibla ng kaniyang buhok, at dahan dahan nilapit ang aking mukha.
Hinalikan ko ang kaniyang noo. Napamulat siya ng konti para maglapat ang aming mga mata, may kung anong epekto sa akin 'yon. Pero bago ko pa magawa ay napaiwas na kaming dalawa, hinihimas ko ang kaniyang buhok at hinayaang matulog sa ganoong position.
Napayakap naman ako sa kaniya pero hindi mo na talaga magigising ang isang to. Tulog mantika aba, napangiti ako. Kailangan ko siyang ihatid sa guestroom dahil baka anong isipin ni Manang Silya and Ate Rose kung madatnan kami rito. Kaya umayos ako ng dahan dahan at kinuha ang kamay niya, kahit ata balibagin ko siya ay di na nga magising. Binuhat ko siya ng pabride, ang gaan niya.
Sobrang payat!!
Naalala ko naman wala pala ang susi ng guestroom sa akin dahil nakaatas roon si Manang Silya, kaya wala akong choice para tunguhin muli ang aking kwarto. Binuksan ko 'yon at dahan dahan siyang inilapag. Kinuha ko ang sapatos na suot niya, napayakap siya sa malaking unan na nandoon. Napailing na lang ako, inayos ko naman ang kumot tsaka nilagay sa kaniya.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Novela Juvenil[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.