Third Person's POV.
"Madame? ano pong gagawin natin dito?" tanong ni Vida sa kaniya, nasa tapat ang kotse nila kung saan sa harap ng bahay ng mga Delavin.
Hindi naman ito nagsalita at tiningnan lamang ang malaking gate, nasa malayo ang sasakyan nila kung saan kaharap noon ang gate. Biglang bumukas 'yon upang makita si Zeb na nagmamaneho ng sasakyan.
"Madame?"
"Lets go home," utos nito sa driver upang sundin niya ang utos.
*
"Nandito ka ba para ipahiya ako?!" sigaw ni Att. Savara sa kaniyang bunsong anak na si Jia.
Napakagat labi na lang si Jia habang nakayukong sinisigawan ng kaniyang Daddy. "D-Dad I didn't know," mahinang sabi niya.
"You have to! paano kung may nagawa ako sa kaniya, do you think kaya ng Mom mo na paaralin ka sa prestigious na University Jia?" napahawak ito sa kaniyang brigdge nose.
"D-Dad," nahihiyang tawag niya sankaniyang Ama dahil sa nagtitinginan na mga studyante.
"You're careless!" sigaw niya.
Nakita naman ni Felix ang pangangaral ni Att. Savara sa kaniyang anak. Tumikhim siya upang mapatingin ito at yumuko. "Nice to see you here again Att. Savara. I'm so proud to your daughter, hindi madaling makapasok sa top 10," nakangiting sabi nito. Napasilip naman si Jia kay Felix, binigyan niya ng ngiti ang dalaga.
"Good job, you did it," bati ni Felix sa kaniya.
"T-Thank you S-Sir," nahihiyang sagot niya.
"Nice to you see too, Sir Felix," bati ni Att. Savara.
"Hmm, mauuna na ako sa inyo," pagpapaalam ni Felix tsaka pinuntahan ang anak.
"Nasa condo mo ang kotse na binili ko, Lhex," sabi nito sa anak matapos ang resulta ay hinatid ni Lhex ang kaniyang Daddy sa deans office. Pinauna niya si Kiej and Janeth sa cafteria dahil nandoon na ang mga kaibigan niya.
"Binili mo na pala," sagot nito.
"Alam kong makukuha ka, advance akong mag-isip," nakangiting sabi ng Daddy niya.
"Paano pag hindi?"
"Impossible, may dugo kang galing sa akin na matalino at sa dugo ng Mommy mo na mas matalino rin. Paano ko iisipin na hindi ka makukuha?" malaking kompyansang sabi ni Felix sa kaniya.
"Tss," napailing na singhal niya.
"Tutuloy ka kay Chairman Eclipse," panimula ni Felix sa kaniya. "Alam niyang hindi ka sasama kung ang mga Tita mo ang iimbita sa'yo," dagdag niya pa.
"Ayaw kong sumama—"
"Alex," tawag niya rito upang mapahinto sila. "Anak, alam kong hindi madali para sa'yo ang pinagdaanan mo. Lalong lalo na ang katutuhanan, pero sana kahit konti bigyan mo ng puwang sa puso mo na pamilya mo sila." Hinawakan nito ang braso ni Lhex. "Kung hindi ka pa handa, maghahanap ako ng hotel na tutuluyan mo," mapag-unawang sabi niya. "Pero sana kahit magpakita ka lang at sabihing sasama ka sa araw na 'yon, kahit para na lang kay Chairman Eclipse," sabay tap muli at tumalikod ito upang pumasok sa Dean's Office.
Nakapamulsang tinungo ni Lhex ang cafeteria at nandoon na nga ang lahat siya na lang ang kulang. Nakita niya kung paano may galit sa mga mata ni Delabin, ayaw nito roon. Kaya noong magtama ang kanilang mga mata ay napalitan 'yon ng saya.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
أدب المراهقين[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.