Lhex's POV.
*PAAAAAK*
Sampal na galing sa Mommy ni Ara. "All this time Lhexien! bakit ikaw parin ang pinili ng anak namin!!!" sigaw niya. Nanatiling wala akong kibo dahil wala akong karapatan mag reklamo sa kanila, wala akong karapatan para diktahan ang nararamdaman nila.
"Tita mawalang galang po, huwag niyo namang isisi kay Lhex ang nangyari kay Ara," paghihinahon na sabi ni Delabin.
"Delabin.." pang-aawat ko sa kaniya.
"WHAT!? Hindi mo alam kung paano nawalan!! Hindi mo alam kung paano madurog—"
"Alam ko.." pamumutol ko. "Minsan niyo ng binulag ang anak niyo para sa kasamaan, minsan niyong pinagkait sa kaniya ang magulang na dapat ay ang ituro ay ang kabutihan. Pinagkait niyo sa kaniya ang maging halimbawa ng isang mabuting magulang. Hindi lang kayo ang nawalan, dahil kaibigan ko rin 'yon. Alam ko ang mararamdaman niyo, dahil nawalan na rin ako hindi isa o dalawa kundi tatlo.. Tatlo tita.. Tatlong tao na gustuhin niyong maging kasabwat ng anak niyo ang gumawa noon!"giit ko sa kaniya
"How dare you! Anong silbi ng mga salita mo kung wala na ang anak ko!!!" umiiyak na hagulgol niya.
"Lhex! I can't believe it!" si Tito na umiiyak na rin. Hindi mahanap ang tamang salita na sabihin dahil sa kaniyang iyak.
Ara..
"Hindi mo alam para sa kaniya ang ginawa namin."
"No Tita, it's not for her. It's for your own sake lang, hindi niyo inisip ang kagustuhan ng anak niyo. Ilang ulit siyang nagmakaawa sa inyo, ilang ulit niyang pinakitang mahina siya sa gusto niyong mangyaring gagawin niya. Ginawa ni Ara ang magpanggap para sa kabutihan at lalo na sa kompanya niyo. Do you think, it isn't enough? Hindi kayo pagtataguan ng anak niyo kung naging mabuting huwaran kayo bilang pamilya. Hindi siya magsisinungaling kung nasa tama kayo, hindi niya magagawang sabihin na uuwi siya sa Davao to escaped. Kung may mali doon? Hindi ang desisyon ng anak niyong piliin ang tama kundi ang kayo na hindi niyo ginawa ang tungkulin bilang pamilya—" Isang sampal ang natamo ko.
"TITA STOPPED IT!!" sigaw ni Delabin.
"Isa ka pa!" Duro niya kay Delabin.
"Huwag niyong idadamay siya, kung may galit kayo sa akin. Hindi magiging masaya si Ara kung hanggang sa huling hantungan niya ay makikita niya parin ang kasakiman ng pamilya niya."
"Hindi ka parin nagbabago Lhexien!!" sigaw ni Tita.
"Tama na," mahinang awat ni Tito upang mapalingon kami sa kaniya.
"No!" asik ni Tita. "Wala kang karapatan na pagsabihan kami ng ganiyan, dahil hindi ka minsan naging magulang!!" sigaw ni Tita.
"Bata pa ako para maging magulang," tipid na sabi ko.
"WHAT?!" inis niyang hindi makapaniwala.
Tss.
"Oo hindi ako naging magulang, pero kung magiging magulang man ako ay hindi kasing sama ninyo. Nasa inyo ang position ng pagiging magulang pero hindi niyo nagampanan 'yon sa anak niyo. Ang magulang ang nagtutulak ng mabuting gawain sa anak, kaya itanong niyo sa sarili niyo kung naging magulang lang kayo dahil may anak kayo o naging magulang kayo sa mabuting hangarin para sa anak niyo, Tita," mahinang sabi ko sa kaniya.
Hindi naman siya makapaniwala at napabuntong hininga. Napapikit siya sa inis at umiiyak na umalis para tunguhin ang kwarto ni Ara, sumunod naman si Tita. Ang paghagulgol na iyak ng Mommy ni Ara ay naiintindihan ko. Ang pagsigaw niya sa pangalan, kahit gaano kasama ang magulang ay alam kong para rin sa kapakanan nila 'yon.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Novela Juvenil[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.