Chapter 133

1.5K 107 40
                                        

Kiej's POV.

"Nasa oras na tayo ng kapamahakan, pero lumalandi parin," umiiling na sabi ni Lhex upang matawa ako. Napaupo kaming dalawa lang sa sulok, hindi ko alam ano ang tumatakbo sa isipan niya sa mga oras na 'yon.

"Ikaw ang lumalandi sa ating dalawa, Bal!" pabulong na asik ko sa kaniya.

"Tss, baka ginawa ko 'yon kasi hindi ka makahinga?"

Totoo nga. Ang paghalik niya kaniya ay nagbigay buhay sa sistema ko para mawala ang kaba sa aking dibdib. Sa ngayon ay tanging naiisip ko kung bakit ako ang pinunterya ay noong sinabi ni Lhex sa akin na baka ako ang susunod na target at madadamay.

"Bakit alam mong ako susunod?" tanong ko sa kaniya.

"Tss, matic na agad 'yan," pagmamayabang niya.

"Tsssk! Bal, naman!"

"Tumahimik ka nga, pag tayo nahuli ipapalapa kita sa kanila!" pagbabanta niya sa akin.

Naitikom ko tuloy ang aking bibig. "Bakit ka nakapikit?" kanina pa kasi siya nakapikit habang kinakausap ako.

"Gabi na Delabin, di uso puyat."

"ANO?!" naiinis kong impit na bulong.

"shut up!"

"Bal!" tawag ko.

Hindi talaga ako makapaniwala kay Lhex, nagawang matulog sa oras ng panganib. Ano 'to? Kung nandiyan na' yong mga kalaban ay gigisingin ko siya?

Naknang! Ibang klaseng babae to.

"Bal, mamaya ka na matulog!"

"Naknang pating Delabin, matulog ka na lang," naiiritang sambit niya.

"What? Do you expect me to sleep sa ganitong sitwasyon?" pagtatalo ko sa kaniya.

"So anong gusto mong gawin natin? Maghalikan ganoon?"

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. "Kung pwedeng ganoon, bakit hindi? Kaysa matulog ka—"

"Puros ka halik! Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka, Delabin," saway niya sa akin.

Paano siya makakatulog? Nakaupo kami sa sulok na madilim at nakapikit lang siya, nakasuot siya ngayon ng mustard hoodie. Napailing na lang akong hinawakan ang uluhan niya upang isandal 'yon sa balikat ko.

"Pasalamat ka, mahal kita," bulong kong sabi.

"Ako pa talaga?" asik niya.

"Napakakontrabida mo!"

"Ang daldal mo kasi," sagot niya.

"Sige mag-usap na lang tay—MOMMY!!" sigaw ko, nang biglang bumukas ang pinto.

"Ay taray ng mag jowa, tapos na. Umalis na sila, okay na ba kayo?" tanong ni Hannah.

"Hi Kiej myloves," kaway ni Gericka.

Napatayo naman si Lhex. "Ang ganda ng bungad niyo, inaantok na ako," malamyang sabi nito sabay lingon sa akin. "Ayaw mong matulog?" tanong niya. Nagmadali naman akong tumayo tsaka sumunod sa kanila.

"Idinala na daw sa hospital ang mga nasugatang helper, wala namang nasawi kaya huwag kang mag-aalala. Pasensya ka na kung nakapiring ang mga mata nila at kailangan may dugo, props lang naman 'yon," natatawang sabi ni Hannah.

"What?! Dinamay niyo pa sila?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Excuse me?'yong girlfriend mo may plano nito," sabi ni Hannah sabay turo kay Lhex na nakaupo ngayon sa sofa. Nandoon na ang ibang katulong na walang sugat at nag-aayos.

THE ONE WHO GOT ME - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon