WARNING: MAY NILALAMANG EKSENA NA PARA LAMANG SA MGA MATATANDA r+18.
Kiej's POV.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"BOUGART!" sigaw niya sa asong si Kastala. Naging maamo naman ito sa kaniya dahil lumapit agad kay Lhex. Ang ngiti sa kaniyang labi ay hindi mawala ng makita ang asong 'yon, kulay puti ito at mabalahibo.
Nakalimutan niya ata na umiyak siya kanina. Sa ngayon ay hindi parin maalis sa isipan ko ang sinabi niya, pero kailangan. Kailangan kong panindigan ang desisyon naming maghiwalay. Nahihirapan ako, sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay tanging pagngiti ni Bal ang nakikita ko. Ko
Ang ngiting minsan niya lang pinapakita. At ang paborito kong blangkong pigura nito sa aking pangitain, minsan nga ay nakakulong lang ako sa kwarto na umiiyak. Pero sinabi ko na hindi gusto ni Lhex anf ganito, hinding hindi niya magugustuhan na umiiyak ako.
Umuuwi na rin ako sa General Trias every weekend, doon rin ako sa Christmas break.
"Lilipat ka next year sa LPU, nakakahiya na nandoon ka sa ibang unibersidad," asik ni Lola habang nasa hapagkainan noong umuwi ako.
Siguro this time ay kailangan kong sundin ang mga sinasabi niya, napatango lamang ako. Walang ganang inilapag ko ang utensils at umakyat sa kwarto.
Nang makabalik ako sa Batangas ay lagi ko namang pinagmamasdan si Lhex. Ang hirap, sobrang hirap ng sitwasyon. Lalong lalo na kung nasasanay akong nandoon kami para sa isa't isa. Nagalit ako sa sariling pamilya ko, wala na sigurong plano si Daddy na sabihin kay Mommy dahil nagkakasakit na ito.
Ayaw ko namang dagdagan pa ang problema sa pamilya. Hindi ako makausap ni Daddy, kahit ata si Lola ay naisipan akong makausap. Sinabihan ko rin si Ate Jasmine na marami akong ginagawa. Si Mommy lang ang inuusisa ko kung ayos naman ba ang kalagayan niya.
Nanghihina kasi ito, mabuti na lang ay mga ilang araw ay bumalik ang sigla niya. I can't afford to lose my mom. Umiiyak ako ng walang dahilan, lagi niyang tinatanong pero sabi ko napapagod lang ako sa acads na madaming deadlines.
Hindi ko rin sinabi na naghiwalay na kami ni Lhex, kailangan niya munang magpalakas. Gustong gusto ni Mom si Lhex for me, naging anak na rin ang turing niya. Sa tuwing uuwi ako ay may inaasahan pa siyang bibisita, ang sabi niya pa nga gusto niyang makita si Lhex.
Paano ko naman gagawin 'yon, ayaw na ayaw noong na tumapak sa bahay. Malaki ang galit niya kay Daddy at kay Lola, na naiintindihan ko naman.
Mabuti na lang ay nagset ng Christmas bonding sina Marvs at alam kong pupunta si Lhex. Hindi ko rin alam kung alam niya ba na pupunta ako.
"Bougaaart! I'm your Mommy now ha?!" sabay turo sa sarili. Hindi na siya makausap ng mga kaibigan niya dahil nalilibang na sa aso.
Halatang lasing parin dahil sa kakulitan. Nagiging baby siya sa tuwing nalalasing at mahilig magpalambing. "Stay with me tonight," seryosong sabi nito, na parang ako ang sinabihan niya. Napalingon ako pero si bourgart—