Jia's POV.
"How was it?" tanong ko kay Colline. Magkasabay kami ngayon sa hallway papunta sa third floor for the first subject.
"It was fun," sagot niya na bakas ang pagkasaya. "Sana sumama kayo ni Marvin, ang ganda ng Isla nina Lhex sa Baguio," dagdag niya pa na tumitili. Napansin niya naman na awkward ang dating kaya napakagat siya sa kaniyang labi.
Nakita ko nga ang mga post nila sa instagram, walang araw na hindi ko tinitingnan ang mga Instagram nina Colline, Harry, Rob, Janeth, Keij and even Lhex na kakagawa palang.
Ang unang post ni Lhex ay 'yong kumain sila ni Kiej sa isang mall. I admit, nagseselos ako but wala akong magagawa dahil alam kong wala akong karapatan.
Sa weekend's ay nakakulong lamang ako. Kahit ata yayain ako ni Marvin gumala ay napipilitan lang ako para maging masaya at may e post sa Instagram. Na umaasang makikita ni Kiej, pero wala.
Hindi ko nilalagpasan ang story ni Kiej na laging nandoon si Lhex, nagsama pa sila sa isang kwarto. Mas lalong kinabaliw ko ang tungkol roon, mas lalong nanlumo ako.
Ginawa ko ang lahat para ituon sa pagbabasa dahil malapit na ang finals pero hindi ko magawa. Umiiyak ako nang umiiyak. Naitatanong ko sa sarili kung bakit ganoon na lang ang pagmamahal na nararamdaman ko kay Kiej.
"Guurrrrrllll!! Siisssyyyy!"
Napalingon agad kaming dalawa ni Colline kay Marvin. May dala itong libro ng Auditing dahil alam naming may ipaparecitation na naman ang prof namin.
"Heeeyyy! Kamusta ang Isla?" tanong ni Marvin sa kaniya upang mapanguso akong umiwas.
"I-It w-was f-fun," sagot niya na nag-aalinlangan pa. Alam kong nag-bothered siya sa reaksyon ko. Napalingon akong ngumit pero deep inside ay naiinggit ako.
Nadamay pa si Marvin, kawawa naman siya. Thankful na lang ako dahil natiis niya ako sa Mall ng mga oras na 'yon, niyaya ko pa nga siya sa inuman at nagpakalasing ako.
Mabuti na lang ay wala ang mga kuya ko sa bahay, dahil pagnatantuhang nandoon ay papagalitan nila ako at si Marvin.
"Halata nga, sa mga instagram post pa lang nila," sagot ni Marvin na nakangiti na alam kong naiinggit rin.
"Y-Yuhh, tara na?" si Colline.
Nahalata naman ni Marvin 'yon, he tried to smile and walked with us. Napakagat ako sa aking labi ng makita si Kiej with his friends. Hindi ko malalampasan 'yon, knowing na may relasyon sina Colline and Rob.
Nilapitan ni Rob si Colline.
" Taray, may palandi this morning," bwelta ni Marvin sa kanila.
"Good morning," batid ni Harry sa amin, ngumiti naman ako.
"Good Morning," sagot ko.
"Good morning Fafa Harry! Fafa Kieeejjj!" Kumakaway na bati ni Marvin sa mga ito.
"Uy! Good morning," masayang bati ni Kiej.
"Ay busy si Fafang Kiej?" tanong ni Marvin sa kaniya. Second subject na ata nila, at first subject palang namin.
"Hindi ah, may hinahanap lang! Uyyy Jia, good morning," bati niya sa akin upang mapangiti ako.
"Good morning too," sagot ko naman sa kaniya na may ngiti, baka isipin niya bitter parin ako.
"Bal!!"
Napalingon kami sa likuran kung saan ay mag-isa si Lhex na nakapamulsa, may dalang maliit na bag na nakasabit sa leeg nito.
She's wierd. Ang suot niyang loose shirt at may jacket sa loob upang makita ang manggas noon. Isang ripped jeans and red converse shoes ang suot nito.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Teen Fiction[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.