Lhex's POV.
Napalingon ako kay Luiz tsaka kinuha ang cellphone na hawak niya. "Thank you," sagot ko sa kaniya. Ang kaniyang tingin ay na kay Delabin parin na para bang may iniisip ito na kung ano pa.
"Lhex!" Hinawi agad ni Delabin ang pulsuhan ko, tama lang upang mapaatras ako sa tabi niya. Na para bang itatago niya ako rito.
"Good morning, Kiej," may matalim na pagkasabi ni Luiz. Bakas roon ang kaniyang pangangasar kay Delabin.
"Walang maganda sa umaga! Kung ikaw ang makikita ko!" asik ni Delabin.
Naknang!
"I see, ako maganda ang araw ko dahil kasama k—"
"Ginagago mo ba ako!" naiinis na sambit ni Delabin.
Napangisi si Luiz. "I'm not, Vien?" Napalingon siya sa akin. "I'm leaving."
"Matagal mo na siyang iniwan," mapait na sabi ni Delabin sa kaniya. Hindi siya nagpatinag at sa halip ay ngumisi pa ito.
"Baka magbalik ako at makukuha ko ulit ang na sa'yo."
"Gago ka!!" Susugurin niya na sana si Luiz, pinihit ko ang kaniyang pulsuhan upang mapatigil siya.
"Umalis ka na, Luiz," matalim na pagkakasabi ko.
Napatango siya at napangisi pang tumingin kay Delabin sabay pasok sa kaniyang kotse. Nang makaalis na ay agad kinuha ni Delabin ang kaniyang pulsuhan sabay alis at pumasok sa loob ng gate. Napalingon ako sa gawi niya, kungs saan ay nakapantulog pa pala ang kaniyang suot.
Ang cute cute niya Hahahahahaha.
Napailing akong nakapamulsa at naglakad papasok ng bahay nila. Malawak ang hardin nila, hindi man kasinlawak ng mga Eclipse ay sakto lang upang mapamangha ka dahil sa mga bulaklak na nandoon. Kung saan ay may malaking puno ang nasa gitna ng isang malaking bilog. May kung ano anong nakasabit sa punong malaki.
Napakasariwang pagmasdan dahil ang anino noong puno ay halos masasakop ang gitnang bahagi. Pwede kang umupo roon sa gilid ng bilog na para bang nasa parke ka lamang. Sa kaliwa at kanang bahagi noon ay ang mga bermuda grass na pantay pantay na hindi mo makikitang may nauunang lumalaki.
"Lheeexx!" bati sa akin ni Manang Lucy.
"Manang," tawag ko sa kaniya.
Kinuha nito ang aking dalawang kamay. Hindi na banggit sa akin na kinuha pala siya upang maging helper sa bahay, bahang si Manong Marcus ay kina Dean nagt-trabaho. "Matagal tagal ring hindi kita nakikita, Hija. Kamusta ka naman?" masayang bati niya.
"Ayos lang, kayo?"
"H'to at ayos rin naman. Noong sinabi sa akin ni Marcus na kukunin ako ni Zeb bilang helper ay agad kong tinanggap. Alam ko kasing makikita kita rin kahit hindi man araw araw, Hija." Ang kaniyang pagtingin sa akin ay para bang humahanga siya sa itsur ko. Alam kong naiisip niya si Amanda, alam niya rin na ako ang anak nito.
"Ahhh.." Napakamot na sabi ko. Hindi ko alam anong isasagot sa kaniya ngayon.
"Pumasok ka muna, Hija. Nandoon si Kiej at kumakain na, sabayan mo siya. Naku! tong batang to hindi ka man lang hinintay na kumain."
"Hindi niya kasi alam na darating ako," sabi ko.
"Ganoon ba? Oh sige, tsak akong matutuwang makita ka noon na nandito ka. Kagabi pa yan walang tulog, animo'y pabalik balik sa labas. Tinatanong ko naman at ang sagot niya lang ay may hinihintay. Panay ang kaniyang tingin sa kaniyang cellphone."

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Teen Fiction[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.