Lhex's POV.
"Baka gusto mong ibagsak ko si Mr. Delavin? kaya ko siyang ibagsak gamit lang ang kapangyarihan ko," mahinang bulong ni Prof. Estrellas. Napakuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya.
Ilang gabi kong pinag-iisipan ang tungkol sa sinabi ni Prof. Estrellas, hindi ko alam kung anong binabalak niya. Wala akong nagawa kundi habulin sa araw na 'yon si Mr. Gray para sabihin na piliin niya akong maging muse.
Hindi ko akalain na aabot sa ganito. Pagpasok ko ay wala si Mr. Gray, naghintay ako ng mga araw na 'yon, whole lunch time ko ay ginugol ko para lang makausap ko siya.
Ayaw ko namang sabihin kay Delabin ang tungkol roon. Hanggang sa nadatnan ko ang isang student assistant na naka assign sa faculty ni Mr. Gray.
"Si Mr. Gray?" tanong ko.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Wala siya dito, ano bang kailangan mo?" tanong niya. Napabuntong hininga ako, hindi ko akalain na aabot ako sa pagmamakaawa para sa posisyon na 'yon.
Hindi ko kahiligan ang ganoon. "Ay? Sorry, may nakalaan na para doon," sagot nito.
Umalis akong bigo sa araw na'yon. "Okay, edi sa another team for chances," nakangising sabi ni Sir Estrellas.
Noong tanungin ako ni Shawn, nagkunwaring hindi ko alam na may nakalaan na doon, at totoong ayaw kong dumepende kay Delabin pero pinalabas ko parin na dumedepende ako sa kaniya.
Matapos ang araw na 'yon ay abala ako sa pagr-review para makapasa. Ginugol ko lahat sa pagr-review habang abala naman si Delabin sa ibang bagay. Dahil sa oras na okay na ang mga oras namin ay tapos ko na rin nabasa ang mga libro.
Nag advance reading na ako nang matapos ko ang pagr-review upang makapagbonding kami. Tiniis ko ang mga araw na kailangan ko siyang e text, hinihintay ko siyang etext niya ako pero wala akong natatanggap.
"Oh saan ka pupunta?" tanong ni Janeth sa akin, habang nasa couch siya na may dalang chips. Nakapajama na ito na halatang tapos na maghimasa.
Tumunog naman ang cellphone ko upang may mag text sa akin.
From: unknow
This is Kiej, Bal. Pumunta ka na sa campus, kita naman tayo imsy.
"Dadalawin si Delabin," sagot ko agad dahil sa natanggap kong text.
"Ay taray?! Chaaar! sabagay, lagi kang nagr-review, stress ka na frenny!"
"Hmm. Subukan mo ngang tawagan ang number na 'to?"
Ibinigay ko sa kaniya ang cellphone ko para kunin ang number noon. "Hello?" tawag niya, ibinaba niya naman agad. "Bakit si Marvin 'yon?"
Marvin.
"Aalis na ako," pagpapaalam ko.
"Mag-iingat ka hoy!"
"Oo, sige."
Naghain pa ako ng pagkain para makasabay ko siyang kumain sa hallway dahil alam kong walang tao. Minabilisan ko ang pagmamaneho papunta sa campus.
10:30PM pero hindi parin tapos ang pag-eensayo nila, kaya naman naisipan kong pumunta sa locker para kunin ang librong hiniram ko kay Colline at notes niyang pinahiram.
Nagbasa pa ako sa malapit na bench, hanggang sa nakaramdam ako ng antok. Tiningnan ko ang phone ko at nasa 11:30 pa 'yon kaya naman naisipan kong bumalik sa court para hintayin si Delabin.
Nakapamulsa ang isang kamay ko, habang ang isang kamay ay hawak ang dala ko. Napatigil na lang ako, noong makita ko si Delabin at Jia sa isang bench.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Fiksi Remaja[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.