Chapter 111

1.7K 121 22
                                        

Baguio

Kiej's POV.

"Talo ka na naman!" natatawang turo sa akin ni Rob.

Nandito kami ngayon sa sky lounge. May mga alak na nandoon, dahil sa wala kaming magawa at hindi pa dinadalaw ng antok ay naisipan naming maglaro.

"Ulol! Anong talo? pipili lang ako ng truth or dare," sabat ko sa kaniya.

"Yari ka sa'min, ngayon!" nakangising may binabalak niyang sabi.

"Baka hindi mo alam Rob, na kasama ko ang may-ari ng sasakyan at baka matapon ka sa labas," nakangising sabi ko sabay lagay ng kamay ko sa couch board kung saan ay katabi ko si Lhex.

"Ayyyy! Ang daya mo Kiej myloves, ha!" turo sa akin ni Janeth.

"Tss," si Lhex.

Napalingon siya sa gawi ko. "Hi Bal," nakangisi kong sagot, napailing naman siya.

"Nagpapacute ampt! tigilan mo 'yan dre, di ka cute!" sinamaan ko naman ng tingin si Rob.

"Ang daldal niyo," naiiritang sabi ni Harry na hindi makahintay. "Truth or D-"

"DARE!" malakas na sabi ko, na alam kong kayang kaya kong gawin ang ipapagawa nila.

"Naksss! Lakas ng loob, ah!" tinapik tapik ko pa ang kamay ko sa dibdib na nagmamayabang.

"Ako pa ba?"

"Wala na, nahatak na ni Lhex to," tumatawang si Rob.

"Ako mag-uutos sa kaniya," mahinang sabi ni Lhex na seryoso.

"Bal!" inis kong tingin sa kaniya, upang mapatawa lahat ng kasamahan namin.

"Takot ka?" nakangising sabi niya habang nilalaro ang wine glass na may yelo, tsaka sumimsim ng konti.

"Takot ka pala, dre eh!" pangangasar ni Rob.

Tss. Gusto ko lang naman ng dare, para may ipagawa sila sa akin na involve kay Lhex.

Pinakunutan ko siya ng noo, at pinaglakihan ng mata tsaka dinidiin para magets niya, na iurong ang sinabi niya. "Trying to save yourself, Kiej?" natatawang sabi ni Harry dahil nahuhuluan niya 'yon.

"Shut up!" asik ko para matawa naman sila.

"Wala na, dre. Sige na Lhex, anong e d-dare sa kaniya?" natatawang si Rob na napatingin kay Lhex. Lahat kami ay nakatingin sa kaniya, napanguso naman ako dahil wala akong magawa at hindi talaga iuurong ni Lhex ang sinabi niya.

"Sige bal, sabihin mo sa akin Love me! Babanatan ko na agad na mahal na kita simula pa noong una," pagbibiro ko sa kaniya.

"Gago gago ka talaga," natatawang turo ni Rob sa akin.

"Tumahimik ka ulol!" tsaka inismiran siya, tumawa lang naman siya at tinungga ang nasa glass na alak.

"Tumalon ka palabas rito," seryosong sabi niya at sinimsim ang alak.

"Okay Bal," masayang sabi ko, nang biglang narealize ko ang sinabi niya. "Baliiiiiiiiii.." tawag ko sa kaniya, nakita ko naman ang panggisi niya.

Tumawa narin ang mga kasamahan namin dahil sa sinabi niya at paniguradong aasarin na naman ako nitong mga tropa ko.

"Joke lang," seryosong sagot niya.

"Ano nga bal!" naiinis na usal upang magmadali siya.

"Ako na nga Frenny! parang nahihirapan kang e dare si Kiej myloveees eh!" angil ni Janeth, upang maging sang-ayon ako. Nahagip ko ang kaniyang tingin na parang sinasabi niyang I got you.

THE ONE WHO GOT ME - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon