Chapter 112

1.5K 106 24
                                    

Lhex's POV.

"I love you, Bal," malambing na sambit niya.

O______O

Hindi naman 'yon unang beses na sinabi niya ang salitang' yon, pero parang naging musika 'yon sa tenga ko. Mas naguunahan ang pintig ng puso ko at parang lutang na lutang ako.

WHAT ARE YOU DOING, LHEXIEN!

Gusto kong itulak si Delabin sa pagkakayap niya pero may kung anong pakiramdam akong naramdaman. Mas payapang manatili sa kaniyang pagkakayap. Hindi ko rin alam kung bakit gano'n na lang ang inaasta ko kanina nang marinig ko ang tungkol roon.

Nagseselos ba ako? Pilit kong itanong 'yon sa sarili, pero kusa rin itong susuko sa kakaisip. Napapailing na lang ako, ang mainit kong pisngi at ang pagkapula noon ay hindi ko na maitatago pa sa ilalim ng braso niyang nakayakap.

Peste peste, Lhex!

Pumayag akong magsama kaming dalawa sa kwarto ko. Wala naman akong choice dahil hindi namang hayaan ko siyang makikisiksik roon sa mga kaibigan niya. Ang mga ngiti ng apat ay hindi nakawala ng pumayag ako.

"Bal?" tawag niya, pero bakit gano'n na lang kabilis ang paglundag ng puso ko sa tuwing tinatawag niya ako.

Hinihiling ko na sana hindi niya marinig ang mabilis nang tibok ng puso ko. Napaiwas naman ako, at hindi makasagot nang lumayo ito sa akin upang tingnan niya ako.

Saan na ang sapak mo?! Bakit sa tuwing kasama ko siya ay nanlalambot na ako.

Pinagsisihan ko tuloy na magkasama kami ngayon sa iisang kwarto. Niyakap niya muli ako, rinig na rinig ko ang pintig ng puso niya. Kahit anong lakas no'ng sa akin, ay hindi mapapantayan 'yong nararamdaman niya.

"Delabin, hindi ako m-makahinga," palusot ko, upang luwagan niya ang pagkakayakap.

Tumawa pa.

Peste ka ha?!

"Sorry," usal nito.

Sorry your face!

"A-ahhh, hindi ka ba maliligo?" hindi ko alam bakit ganoon na lang ang tanong ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo upang amuyin ang sarili. "Mabaho ba ako?" napamaang naman ako.

Letche! Bakit 'yon pa kasi!

"Hindi," sagot kong seryoso na hindi naapektuhan sa presensya niya at sa ginawa kong pagkakamaling tanong sa kaniya.

Mag isip ka Lhexien! "A-ano, para fresh?" plastik kong ngiti na nag-aalinlangan sa sagot.

"Fresh, ha," may pangangasar na sabi niya upang mapatango na hindi naman sang-ayon sa sagot ko.

Napatayo naman ako upang makawala ako sa braso niyang naging silbing unan kanina. Napaupo na rin siya at tumayo tsaka tinungo ang closets. May room for closest sa kwartong 'yon, at doon namin nilagay ang mga dala naming gamit.

Paglabas niya ay napaiwas ako. "Nakatingin ka?" seryosong tanong ko sa kaniya na nilalabanan ang tingin niya.

"I smell something," nakangising pangsabi niya.

Napaamoy ako sa sari—Anong ginagawa mo!!!! Narinig ko ang pagtawa niya bago pumasok sa cr, rinig ko ba ang tawa niya.

"Aysh!" napapikit ako na nawawalan ng pasensya.

Tinungo ko naman ang refrigerator upang kumuha ng tubig roon. May mini refrigerator roon, kung saan ay ang laman naman ay tubig. May kung anong chips rin ang nandoon, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang yema cheese cake sa isang plastic box.

THE ONE WHO GOT ME - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon