Chapter 138

1.4K 106 75
                                        

Kiej's POV.

"Sa katunayan po ang bukuhan ang pinakamalawak dito sa hacienda, marami po ang mga taong umaasa sa bukuhan," sabi ni Mang Kanor habang naglalakad kami at tinitingnan ang mga ginagawa ng mga trabahante sa bukuhan.

Hawak ko naman ang sumbrerong pinasuot sakin dahil sa mainit ang panahon kanina ay bigla na lang lumisan ang tag-init. May iba't ibang grupo ang mga trabahante sa paggagawa ng produkto sa bukuhan.

"Sir Kieeeeeejj!!" sigaw noong asawa ni Mang Birhil.

-____-

"Magandang umaga," bati ko sa kaniya.

Nakasuot ito ng kaniyang long sleeves, may sumbrero at long pants dahil nagt-trabaho ito. "Napadalaw po kayo?" nakangiting tanong niya.

"Ano ka ba naman, syempre apo siya nangmay-ari," saway sa kaniya ni Mang Kanor.

"Baka kasi Mang Kanor ay hinahanap niya ang aking dalagang anak na si Ella," kinikilig na sambit niya upang mapalingon si Manong Kanor sa akin ng alanganin tsaka binalik sa asawa ni Mang Birhil.

"Hindi ka ba nahihiya sa mga pinagsasabi mo? May nobya na Sir Kiej," saway ni Manong Kanor sa kaniya.

"Ano ka ba Mang kanor, kayo nga ni Manang Silya ay nagtagpo sa ganitong edad. Si Sir Kiej pa kaya na batang bata pa?" bwelta naman nito kay Mang Kanor.

"Magtrabaho ka na, iba ang kwento namin ni Silya sa kwento ni Sir Kiej at Mam. Lhex," sagot ni Mang Kanor sa kaniya.

"Aysusss! Maghihiwal—"

"Yang bibig mo!" sigaw ni Mang Kanor upang mapayuko siya at umalis na nakangisi.

Kahit ako ay nainis sa sinabi niyang 'yon. "Pasensya na po kayo sa talas ng dila ng babaeng 'yon Sir Kiej," sambit ni Mang Kanor.

Ngumiti naman ako ng matipid. "Ayos lang," sagot ko na parang gusto kong umuwi dahil wala na akong ganang makita ang bukuhan pa. Mabuti na lang ay nakaramdam si Mang Kanor at pinahinga niya ako. Nagpaalam na rin ako sa kaniya upang umuwi na nga sa mansyon.

"Sir Kiej!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Upang makita si Ella na kasama ang kaniyang mga kaibigan. Batid kong kagagaling lang nila sa silid aralan ni Tandang Preso.

"Ella mauuna na kami," may pangangasar na sambit noong isang kaibigan niya.

"Hmm, sabihin niyo kay Nanay na baka mamaya pa ako uuwi," sabi nito.

Lumingon sila sa akin at yumuko tsaka umalis ang mga ito. Tumakbo papunta ko si Ella at hinawi ang kaniyang tuwid na buhok sa likuran ng kaniyang tenga. Ang kabila naman ay nakalagat na malarosas na hairpin.

"Gusto niyo pong mamasyal sa tubuhan?" tanong niya.

"Sa kagubatan sana," sagot ko.

Ngumiti siya. "Pinagbabawal pa po roon sabi noong mga tagabantay, sa susunod ay magpapaalam ako sa kanila na pupunta ang apo nang may-ari," sagot niya.

"Sige, salamat."

"So gusto mong puntahan ang tubuhan? Hindi mo napupuntahan 'yon hindi ba?" nakangiting usal nito.

Napailing ako. Wala rin akong ganang puntahan ang lugar na 'yon sa ngayon. Dahil isa rin sa mga pinapagawa ni Lolo ang bigyang pansin ang mga trabahante sa iba't ibang gawain dito sa hacienda ay wala akong magawa kundi sumama sa kaniya.

"Hindi naman pwedeng sumakay ka sa kabayo kung ganiyan ang suot mo," sabay tukoy sa kaniyang suot na off-shoulder. Bungad noon ang kaniyang dibdib lalong lalo na ang kaniyang braso. Ang ibang hibla ng buhok niya ay nasa harapan at ang iba naman ay sa likuran.

THE ONE WHO GOT ME - Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon