Kiej's POV.
Sa mga oras na 'to, she needs me. Hinaplos haplos ko lamang ang buhok niya, hindi na muna kami pinauwi ni Sir Felix. Delikado pa ang daan, nagsimula na rin kumulimlim ang ang langit. May papasok na bagyo ata sa General Trias.
Natama ito sa Batangas kaya suspended ang klase. Naisipan naman na muna naming matulog ngayon, dahil sa magandang panahon na ito para kay Lhex. Mataas rin ang dagat ngayon. Nakabalik narin si Janeth sa kwarto nila.
Hinahanap na ngayon ng mga tauhan ni Sir Felix ang nakapasok. Hindi rin sinabi ni Lhex sa akin kung sino ang may gawa noon kay Janeth. Magkasama kami ngayon nina Harry and Rob. "Belle daw ang pangalan noong may gawa kay Janeth," sambit ni Harry.
Belle?
"Sino naman kaya 'yon?" tanong ni Rob na hindi ito kilala.
"Nakakapagtaka lang ay hindi rin sinabi ni Lhex kay Tito Felix ang tungkol sa pangalan nang may gawa noon," dagdag pa ni Harry.
Nasa hotel unit ako nila, nasa terrace. Since natutulog si Lhex ngayon ay pagkakataon kong itanong kay Janeth pero nagpapahinga ito, kaya dumeritso ako kina Harry. Gusto kong sagutin 'yon, pero hindi nga sinabi ni Lhex sa kaniyang Daddy ay wala rin siguro akong karapatan para sabihin sa kanila 'yon.
"May alam ka ba dito dre?" tanong niya.
Oo.
"Wala akong alam," sagot ko at nagkunwaring nag-iisip, upang hindi ito maghinala na alam ko.
Nakakapagtaka rin na nandoon si Ms. Power,'yong nakablack na nakita ko kanina sa baba. Kaya pala familiar, hindi ko pa nakikita ang mukha nito dahil umalis kami ni Lhex noong gabing 'yon.
Nagpaalam ako sa kanila. Umalis ako sa kwarto nila, sinilip ko pa si Lhex pero mahimbing natutulog ito. Kaya isinara kong muli saka bumaba sa floor na'yon. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko sa VIP area ng hotel unit si Ms. Power.
Naka-sunglasses parin siya at dala noon ang kaniyang black pouch. May kasama rin siyang babaeng matanda, napalingon siya sa gawi ko. Hindi ko alam bakit napatigil ako dahil pamilyar ang kaniyang wangis, hindi dahil nakita ko siya sa party niya mismo. Dahil doon mismo sa Tagaytay, kung saan ay may seminar kami na pinuntahan ni Luiz.
Kung saan gaganapin ang Dec'outing. "We've meet, again," nakangising sambit niya.
Nahihibang na ata ako kay Bal, dahil ang ngisi niya ay naihahambing ko kay Ms. Power. Napayuko ako upang igalang siya, "Vida? pakisabi kay Handy na huwag munang simulan ang VIP presentation. Ihanda na lang muna nila lahat, and make it sure na handa na sa pagdating ko. I hate waiting," sambit nito sa matanda, around 50+ na siya.
"Masusunod Madame," sambit nito, saka umalis.
"You're free?" striktong tanong niya sa akin.
Hindi ko alam bakit ganoon na lang ang pagtango ko tsaka sumunod sa kaniya sa taas. May mga private resto roon kung saan ay ibang iba sa baba. "Na set ko ito dito, kaya sigurong nagtataka kung bakit hindi ang anak nangmay-ari na kasama mo, na dito kayo dalhin," sambit nito sa akin. Binabasa ata nito ang utak ko.
Lahat ng mga server ay naging alisto sa kanilang mga ginagawa. May namumutla pa, isang manager ang sumunod sa amin."Good Morning Madame Sang—" naputol 'yon dahil itinaas ni Ms. Power ang kaniyang kamay para pahintuin ito.
"Good morning," walang ka interest na sambit niya.
Napamaang naman ang manager, tsaka bumuntong hininga at nilapag ang menu na pagpipilian pa. "Pick," sabi nito sa akin. Kinuha ko ang menu para pumili, italian foods ang nandoon.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Fiksi Remaja[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.