TSS, Abnoy. Nakaabot ba naman kami sa mesa nila Luiz, tapos kung ano ano ang sinasabi. Nakunan pa kami ng camera, sigurado na naman ako na kakalat na naman 'yon sa news dahil apo ako ng isang Chairman. Aleximilien lang naman ang alam nipang pangalan at hindi Lhex kaya ayos lang.
"Hi Mr. Delavin the future Engineer," bati ng isang enogasyante kay Delabin. Binati naman siya ni Delabin at hindi na ako malingunan, gutom na rin ako kaya kumuha ako ng pagkain.
Pumwesto ako kina Janeth kumain. "Ikaw ang dami mong hindi sinasabi sa amin haa!" usal ni Gericka. "Like duh! Hindi man ta'yo nagkikita sana update update rin kayo," nakangusong sambit nito.
"Tampo ka girl? Huwag kang mag-aalala follow niyo na lang siya sa Instagram niya," sabi ni Janeth sa kaniya.
"Mabuti na lang nagkita tayo dito," sabi ni Hannah.
"Of course! mabuti na lang sumama ako para makita kayo, pupunta sana kami sa LPU," ani ni Janeth.
"Really? pero may pasok na kayo tomorrow, right?" si Gericka.
"Wala akong gagawin bukas, ewan ko lang tong sa isa," tinutukoy ako ni Janeth.
"It seems ang tahimik mo parin," sambit ni Hannah sa akin. Kinuha ko ang wine glass at sinimsim 'yon.
"Oo nga Lhex, Hahahaha! hindi ka nahawaan ni Kiej baby ko?" kinikilig na ani ni Icka.
"Ayyy! taray, parehas na silang pabebe! Sure ako, mahilig mag PDA diba Frenny?" sabay siko sa akin.
Nagtawanan pa silang tatlo, napailing na lang ako. "Batiin mo naman bestfriend mo sa likuran," pangangasar ni Hannah.
"Tss."
Nandoon kasi sila Ara sa likuran nila Hannah, kitang kita ko silang nag-uusap usap. Muntikan niyang maibugha ang wine dahil sa nakatingin ako sa kaniya, kaya napaiwas naman siya. Binigyan siya ng water ni Riel, pero sumenyas siya na okay lang.
"Bakit iniwan mo ko doon?" si Delabin na uupo sa tabi ko.
"Nakakapagod makipagbatian at tumayo, parang susunod na kandidato tayo niya," seryosong sabi ko sabay bigay sa kaniya ng plate na kinuha for him.
"Thank you, Bal," sambit niya tsaka kumain. "Gutom na ako, kanina pa ako pinapakilala ni Mom and Dad sa mga kakilala nila," reklamo niya naman.
"Good Evening everyone."
Napalingon kaming lahat sa isang magandang babae na nandoon sa entablado. Isang plain and simple gown na may kulay pastel ito. Lahat naman ay naagaw ang atensyon niya at nakinig sa kaniya.
"We would like to introduce to you, our CEO of the Power Corporation, Ms. Thalia Anda Power," pagpapakila niya upang masitayuan ang nakaupo at nagpalakpakan.
"Bal, tumayo ka," si Delabin. Tinulungan niya naman ako dahil sa katamaran kong tumayo, hindi pa ako tapos sa aking pagkain.
Mas umugong ang malakas na palakpakan noong lumabas ang babaeng 'yon. Ang kaniyang tuwid na buhok at ang pulang gown na suot niya ay mas lalong nag-aapoy ngayon sa entablado.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.