Kiej's POV.
Sa gabing umuwi ako ay napapaisip ako sa possibleng gagawin ko bukas, gusto kong ayayain siya maging kapareho sa Sky Lantern Festival, sa buwan ng Agusto sa susunod na Linggo. Nakahiga ako ngayon sa aking kama na gamit ang aking braso, napapatingin ako sa kisame habang iniisip ang sasabihin.
Kinuha ko ang aking cellphone tsaka dinial ang numero ni Rob, alam kong mabibigyan niya ako ng kaniyang hustesyon sa aking gagawin. Naaalala ko pala ang nangyari kanina ay naibalik ko kaagad ang aking cellphone sa side table. Napahilamos ako gamit ng dalawang kamay ko dahil sa ginawa ni Jia, 'yon at kitang kita ni Lhex ang nangyari.
Hindi ako makapaniwala. Napatayo ako at bumaba sa salas, nandoon parin si Manang Silya na naghuhugas ng plato bago matulog. Si Ate Rose naman ay pinupunasan ang mga ito tsaka inaayos sa paglalagyan. Natunugan nila ang baba ko kaya napalingon si Ate Rose, "Sir Kiej, bakit hindi pa kayo natutulog?" tanong niya habang ginagawa ang kaniyang gawain.
Lumapit ako at kumuha ng baso upang pagsalinan ng tubig. Umupo ako sa mahabang upuan ng katapat ng mesa. "May iniisip lang ho ako Ate Rose," sagot ko tsaka ininom ang tubig.
"no other than Lhex?" nakangising usal niya na alam na agad.
Napaiwas naman ako, "Ay tama ako, siya ba?" napatango naman ako.
"Ano nga ba ang iniisip mo tungkol sa kaniya, Hijo?" habang nakatalikod si Manang na ginagawa ang paghuhugas.
"tungkol sa pag-anyaya ko sa kaniya sa darating na School Festival," sagot ko naman sa kaniya.
"Yieeeee! Ayayain mo siya? bilang kapareho mo?" kinikilig na aniya ni Ate Rose.
"Oo Ate Rose,"
"Naku! Hijo, ang babaeng tulad ng nagugustuhan mo ay hindi tulad ng mga babaeng pangkaraniwan. Hindi siya nasasanay sa mga mabulaklaking mga salita, bulaklak, tsokolate o kahit ata lumuhod ka pa sa harap niya." lumingon si Manang at ngumiti, "tama ba ako?"
Napabuntong hininga akong tumango sa kaniyang sinasabi. Tama siya. Hindi ganoon si Lhex, dahil kung si Mich noon ay madadala mo sa isang romantic place. Si Lhex naman 'yong tipong salita lang ay ayos na sa kaniya. "Kaya nga nahihirapan akong anyayahan siya, Manang Silya." napasandal ako sa upuan habang hawak ang baso na nasa mesa, tinitingnan ko lamang ito habang nag-iisip.
"Oo nga no? kung ako ang tatanungin ay ang hustisyon ko ay tulad ng pangkaraniwang babae. Bibigyan ng bulaklak ay ayos na," usal ni Ate Rose. "Kinikilig ba si Lhex?"
"walang kilig sa katawan 'yon ate Rose. Ako nga ang pinapakilig noon, HHAHAHAHA!" wala sa sariling nakangiti kong tugon.
"Oo nga Sir Kiej, napapatili ka pa nga HAHAHA!" natatawang kilig ni Ate Rose habang may iniisip.
"Ikaw talaga Rose, Hijo?" pinunasan niya ang kaniyang kamay sasariling apron at lumapit sa upuan. "ano bang kinahiligan ng dalaga napupusuan mo?"
Napupusuan?
*^_______^*
Ano nga ba ang nakahiligan ng babaeng gusto ko?
"ang pagkakanta ang kahiligan niya," sagot ko.
"edi, kantahan mo! Dahil magugustuhan niya 'yon, dahil pagkakanta ang kinahiligan niya," hustesyon ni Manang Silya.
"Oo nga, Sir Kiej!" sabik na sabik niyang sabi.
"Hindi ako marunong kumanta," nakangusong usal ko.

BINABASA MO ANG
THE ONE WHO GOT ME - Season 2
Novela Juvenil[OnGoing] First, Read THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1.