Roulette #2

1.5K 34 0
                                    

Chapter 2 

(Him)


Matikas at taas-noo siyang naglalakad sa lobby ng isang kumpanya na nagngangalang Schartner Group.


Abala sa pagsunod sa mabibilis niyang hakbang ang mga tauhan niya sa likod pati ang mga head ng kumpanya. Pinagtitinginan rin siya ng mga empleyado sa paligid. May mga nagbubulong-bulungan habang sinusundan siya ng tingin. May iilan rin ang bumabati sa kanya ng may paggalang.


"I think it's him," saad ng mga bulungan.


"Bumalik na pala siya."


Patuloy niya itong hindi pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Napahinto lamang siya sa paglalakad nang nasa tapat ng elevator at naghintay sa pagbubukas nito.


Nang bumukas ay sumakay siya rito ngunit ang tanging kasama niya lang sa loob ay ang kanang-kamay niya. Ang iba ay sa susunod na elevator sasakay. Ayaw na ayaw kasi niya ang makisalamuha sa maraming tao kung hindi kinakailangan.


Pagkarating nila sa 46th floor ay naglakad ulit siya ng mabilis kasunod ang kanang-kamay. Hindi niya parin pinapansin ang mga empleyadong nadadaanan niya.


"OMG! Siya ba 'yon?" Pagkabuhay muli ng mga bulungan.


"Oo ata."


"Ang gwapo pala talaga niya no?"


"True. Kaso mukhang masungit."


"Uy pati 'yong bodyguard gwapo ah."


Sinubukang umagaw ng pansin mula sa kanya ang mga babaeng empleyado na napatigil sa paglalakad ngunit tanging hangin lamang ang kumausap sa kanila.


Patuloy pa rin ang paglalakad niya at iniiwasang maubos ang oras sa walang kwentang bagay sa kanyang paligid. Tumigil lamang siya sa tapat ng isang desk ngunit diresto ang tingin sa malaking two-door ng opisina na nasa harapan niya.


"Sir, it's him. He's here," saad ng babaeng sekretarya sa telepono. Pagkatapos ng ilang segundo, bumaling ito sa kanilang dalawa ng kanyang kanang-kamay at nagsalita. "Sir, you may come in."


Walang pasabi siyang pumasok sa pinto, iniwan sa labas ang kanang-kamay.


"Son! It's been years," bati sa kanya ng isang lalaking nasa mid-50s.


"Hey, Dad," yumakap ito sa matanda.


"Finally, you've decided to come back," saad ng ama nang maghiwalay sila sa yakap.


"Yeah. I was bored, that's why."


"So, how's Russia?" Tanong ng ama nang makaupo sila sa malaking sofa ng opisina.

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon