Roulette #57

495 11 0
                                    

Chapter 57 

(New Alliances)


Kasalukyan akong nakatunghay sa masiglang itsura ng siyudad na ilang metro ang layo sa akin. Malapit nang pumatak ang 9 PM pero wala pa rin sina Clade at kuya. Nakuha ko na ngang mag-dinner at lahat, pero hanggang ngayon hindi pa sila nakakarating.


Matapos kong kumain ay dumiretso agad ako dito sa rooftop, ito na ang naging favorite spot ko dito sa mansyon recently.


Pumarito ako dahil pakiramdam ko ay mas malapit ako sa Diyos kung dito ko siya kakausapin. Pawang pagpapasalamat ang naging laman ng pagkikipag-usap ko sa Kanya. Ang sarap sa pakiramdam noong kahit na wala akong konkretong tugon na natatanggap mula sa Kanya, ay alam kong nakikinig Siya at tinutugon Niya ang mga sinasabi ko sa ibang paraan.


Malaki ang pasasalamat ko na nakabalik na sa akin si kuya. Na maayos ang lagay niya at higit sa lahat ay buhay siya. Nagpapasalamat din ako na kahit sa kabila ng mga problema namin ni Clade, nakukuha pa rin naming maging masaya at ligtas.


I feel like everything is slowly put into their places. Sana nga't magtuloy tuloy na ang kapayapaan sa mga buhay namin. At sana ay lubusan nang magkasundo si kuya at Clade.


Matapos kong manalangin ay napatitig ako sa hindi kumukupas na ganda ng tanawing kaharap ko ngayon. Sa tuwing pinagmamasdan ko ito ay malayo ang nararating ng aking isipan. Marami akong naiimagine at pinapangarap tuwing nakatanaw ako sa mga tanawin na sadyang napakaganda, isa na roon ang siyudad na ito.


Ang nagliliwanag at iba't ibang kulay ng mga ilaw sa bawat gusali ay nakadaragdag sa kasiyahan na aking nararamdaman. Ang maliliit na imahe ng mga sasakyang patuloy sa paglalakbay sa mga kalsada ay nagiging dahilan ng pagtindi ng aking imahinasyon. At ang perpektong hugis ng bilog na buwan na nasa itaas mismo ng tanawin ay nagsisilbing tagabantay na nakatanaw sa ibaba.


Kahit siguro ilang oras akong tumayo dito at panoorin ang mga ito ay hindi ako magsasawa. Sadyang kakaiba ang hatid na pakiramdam sa akin ng tanawing ito.


Niyakap ko ang sarili ko nang mas lalong umihip ang panggabing hangin. Hindi na ako nagpalit pa nang damit kung kaya't ganito kaginaw ang pakiramdam ko. My bare shoulders are enduring the aggressive rushing of the winds against me.


Ngunit hindi ko inalintana iyon dahil mas gusto ko pang manatili rito kahit ilang sandali pa. Nanatili akong ganoon ang ginagawa nang mas tumindi ang ihip ng hangin. Gumagabi na kasi kaya marahil mas lumalamig ang kapaligiran.


Pagkatingala ko ay sumalubong sa akin ang mabagal na takbo ng isang eroplano. Dahil sa mga kumikislap na ilaw nito ay nagawa ko siyang mapansin. It made me smile and imagine things again. I imagine myself actually riding that plane going to places I've never been.


I literally want to travel the whole world. Before, I wanted to do that alone or at least with Ela. But now, I already want to do that with Clade.


Mas lalo akong napangiti dahil sa naiisip. Paniguradong magiging masaya siya kung lilibutin namin ang mundo, walang poproblemahin, walang iisipin. Tanging masayang paglalakbay at pagpapahinga ang magiging laman ng lakwatsa.

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon