Roulette #34

531 14 0
                                    

WARNING: This chapter contains violent theme

---

Chapter 34 

(Please)


"I love you, my Clade..." 


Agaran niyang ibinaba ang baril mula sa pagkakatutok nito kay Ariadne.


Tila binuhusan siya ng malamig na tubig na gumising sa kanyang katinuan. Rumagasa ang panghihina sa buo niyang katawan nang mapagtanto kung ano ang muntikan niyang magawa.


"I love you so much," anang isang tinig na narinig niya kanina.


Muling umalingawgaw sa kanyang pandinig ang marahan at kahali-halinang tawa ng kauna-unahang babaeng minahal ng kanyang batang puso.


Napapikit siya ng mariin, pilit pinapanatili sa kanyang diwa ang magandang mukha ng kanyang ina. Ayaw niyang magmulat ng mata dahil sa takot na baka wala na ang alaala na ito kapag iyon ang kanyang ginawa.


"Ti amo, mamma," sagot ng anim na taong gulang na Clade.


Kahit nakapikit lamang siya, sariwa pa rin sa kanyang alaala ang tagpong ito. Isa sa mga panahon na buo ang kanyang pamilya at masaya silang magkakasama sa kanilang malaking bahay.


Humalakhak ang kanyang ina. "You're learning Italian so well, huh?"


Ngumisi ng malapad si Clade. "Sì!"


Namutawi muli ang marahang halakhak ng kanyang ina. 


Para sa batang Clade, napakasarap pakinggan ng halakhak na iyon. Gustong-gusto niya ring pagmasdan ang magandang mukha ng kanyang ina lalo na kapag ito'y nakatawa.


Kalong siya nito habang nasa malawak na sofa sila kaya madali para rito ang yakapin siya ng mahigpit.


"As early as now, I'm already proud of you, mio figlio," bulong nito sa kanyang tainga.


Ikinangiti iyon ni Clade. Kahit sa murang edad, hangad na niya ang pasayahin ang kanyang ina at ama sa pamamagitan ng paggawa ng magagandang bagay.


Ilang sandali lamang ay namutawi naman ang masayang ingay ng dalawa pang miyembro ng kanilang pamilya. Nagtatawanan ang mga ito habang papalapit sa kanilang kinaroroonan.


"Here you go, syn!" Inilapag ng padre de pamilya ang kanyang kakambal sa tabi nila. Kararating lamang ng dalawa mula sa dalawang araw na byahe sa Novosibirsk.


Nagtama ang tingin nila ni Valter at nagkangisian. Sabay nilang pinanood ang paghalik ng kanilang ama sa kanilang ina. Sunod naman ay ang paghalik nito sa noo ni Clade.


"I've missed both of you," ani Vladimir.


Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon