Roulette #4

1.3K 28 4
                                    

Warning: mature scenes ahead

---

Chapter 4

(Two worlds)


Namamayani ang kumakabog na ingay sa kabuoan ng high-end bar. Medyo mausok rin ang paligid at nalulunod na sa pagsasayaw ang mga tao. Masayang nagwawala ang mga ito, mapa lalaki man o babae nang biglang dumating ang grupo ng mga lalaking naka-itim.


Napalingon sa kanila ang ibang nagsasayaw at bawat nadadaanan nilang tao ay tahimik na nagmamasid.


Dalawa ang rason kung bakit ganito ang epekto ng grupo: una, ang lider ng grupo na si Clade ay kilala bilang makapangyarihang negosyante na kayang sirain ang buhay mo sa isang iglap; ikalawa, patok rin siya sa mga kababaihan kung saan gagawin lahat ng mga ito para lang makaagaw ng pansin mula sa kanya. Well, a typical hot bachelor.


Wearing a simple black long sleeve button down shirt that hugged his body perfectly, dark blue jeans on his long and massive legs, light brown boat shoes, a rolex on his left wrist, and to top the final look is his messy black hair that surprisingly made him look hotter than he already is, Clade confidently made his own way like a boss to their special area in the bar.


Nasa pinakaunahan si Clade kasunod ang mga tauhan. Ang iba sa mga tauhan niya ay may nabingwit na babae na balak dalhin sa VIP area na nakapangalan sa kanya. Taas-noo siyang umupo sa gitna ng semi-circle na sofa. His long legs are wide open and he immediately sipped on the whiskey in front of him. Like a boss.


Nagsiupuan na rin ang mga tauhan niya. Lahat ng mga ito ay mapagkakatiwalaan, ngunit bilang lang sa mga daliri ni Clade ang mga tauhan niyang kaya niyang pagkatiwalaan ng buhay niya.


Si Aleksandar, ang kanang-kamay niya na palagi niyang kasama sa mga importanteng lakad. Nakilala niya ito sa Russia noong seventeen years old siya kung saan bugbog sarado si Aleksandar ng isang gang. Tinulungan niya ito at hinarap ang mga miyembro ng naturang gang gamit ang kutsilyo at tubo. Iyon din ang kauna-unahang pagkakataon na nakapatay si Clade.


Si Rodion, ang sunod sa pinakapinagkakatiwalaan niya. Siya ang palaging pinipili ni Clade na mag-represent sa kanya sa mga events na hindi niya maaaring puntahan.


Si Leonid, naatasang pamunuan ang mga deals na gustong pumasok sa mga negosyo ni Clade bago pa man ito makarating sa kanya.


Si Mikhail, Artem, at Maxim ay ang mga nagsisilbing mata at tenga niya sa lahat ng gustong sumira at pumatay sa kanya. Sila ay mga espiya sa iba't-ibang grupo na kumakalaban sa kanila.


Binuo ni Clade ang grupong ito sa Russia. Karamihan sa kanila ay Russian ngunit ang iba ay foreigner. Sila ang nagsisilbing pader na nakapalibot sa kanya bago pa siya malapitan ng kahit na sino.


Maingay na ang grupo nila dahil sa alak at mga babae. Namumutawi ang mga kwentuhan nila sa Russian na salita ngunit kapag kinakailangan ay English ang ginagamit nilang lenggwahe.


Nasa kanyang telepono ang atensyon ni Clade habang abala sa pagpapakasaya ang kanyang mga kasama.

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon