Roulette #15

747 19 1
                                    

Chapter 15

(Masked Man)


Dinagdagan pa ng kaunti ni Ela ang kulay red na lipstick ko at tsaka sinipat ang itsura ko sa vanity table.


"Ayan perfect!" Masiglang saad niya at pumalakpak pa.


"Feeling ko OA na ang lipstick ko!" Bumusangot ako.


Tinulak niya ng bahagya ang balikat ko.


"Ano ka ba! Ang ganda kaya. You look sexy, daring, and classy. Thanks to my talents," nakangising kindat niya sa akin sa salamin.


Bumuntong-hininga na lang ako at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. May anniversary event ngayon ang Ivanov Medical Center na gaganapin sa isang five-star hotel. Ang sabi ay baka daw opisyal nang magpakilala ang tunay na may-ari ng hospital kaya nagpa-party ng ganito ka-bongga.


Ang mga bosses at doctors na may position sa hospital lang ang inimbitahan bilang representative ng bawat department. Ako naman ang pinili para sa aming department lalo pa't hindi makakadalo ang head namin.


Ang theme naman ng party ay Old Hollywood at the same time Masquerade kaya naman ganito ang itsura ko ngayon.


Naka-curl ng malalaki ang buhok ko at nilagyan ni Ela ng volume sa side ng itaas na part. Heavy make-up rin ang nilagay niya sa mukha ko. Pinasuot niya sa akin ang isang sexy red tube top gown na may ka partner na fur sa balikat.


Ang masasabi ko lang ay ang landi ko nang tingnan!


Siya naman ay Audrey Hepburn ang peg. Naka-high bun ang buhok at light make-up sa mukha. Nakasuot siya ng sexy black gown na hapit na hapit sa kanyang katawan. May long gloves din siya sa magkabilang kamay na extended hanggang siko.


I stared at her while she's happily sporting her look tonight. Nagkausap na kami noong isang araw tungkol sa pagiging 'broken' niya and she admitted to me about her and my brother. She told me how she liked him and how she wishes to have a chance with him.


It was an emotional conversation. All I can do for her at that time is to comfort her as I do the same for myself. Hindi ko naisip na pareho pala kami nangungulila kay kuya.


But now, she told me she's fine already after letting her feelings out. Susubukan nalang daw niyang makipag-date sa iba para naman daw may pagka-abalahan ulit. Hinayaan ko na lang dahil alam ko naman na sinusubukan niya lang kalimutan si kuya.


"Nasaan ang mga maskara natin?" Tanong ko sa kanya.


Natigil siya sa mga kalandiang ginagawa niya sa harapan ng salamin at naiinis na humarap sa akin.


"Sana pala hindi na tayo nag make-up ng ganito kung tatakpan lang pala natin ng maskara?" Sarkastikong saad niya.


"Aba nasa theme din ng party ang Masquerade."


"Bruha, choice naman natin iyon kung magsusuot ng maskara o hindi."

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon