Roulette #3

1.3K 30 0
                                    

Chapter 3

(First Date)


Tinupad namin ni Aiden ang usapan for Sunday. Papasok na ako sa restaurant na napagkasunduan namin. Nakita ko agad siyang nakaupo sa pangdalawahang-tao na table sa tabi ng glass window. Tumingkad tuloy ang natural blonde niyang buhok na nakaayos dahil sa reflection ng sinag ng araw.


Naka-simpleng black shirt siya at black jeans. May shades din na nakasabit sa kanyang damit. I admit, he looks so attractive kahit na simple lang ang ayos niya and I think it's because black fits him perfectly.


Hindi siya pwede sa mga simpleng lugar lang dahil agaw-pansin siya. Malaki ang built niya, broad shoulders and rock-hard biceps, very defined jaw, pointed nose, white skin, big butt, name it dahil nasa kanya na ang lahat. In short, nagsusumigaw ang kakisigan niya. Maybe it's also because of his foreign features.


Nang maupo na ako sa tapat niya ay hindi parin maalis ang ngiti niya na nagpapaningning sa kanyang mga matang kulay hazel brown. Ginantihan ko siya ng malaking ngiti.


"Good afternoon, doc," pormal na naman na bati niya.


"Kahit hindi ka na maging pormal," nakangiting saad ko.


"Can I do that?" Alanganing tanong niya na ipinagtaka ko ng kaunti until I realized na iniisip niya malamang ang professionalism sa pagitan naming dalawa.


"Oo naman no! Bakit pa tayo nag-date kung magtuturingan din pala tayo bilang magka-trabaho," tukso ko.


Tumawa lang siya ng marahan kasabay ng pagyuko niya ng bahagya.


"I'm not dumb to think that this is not a date, but the fact that it actually came out of your mouth, I can't help but to be grateful," he smiled at me genuinely.


I sighed remembering how I rejected him two years ago. Pinagsisihan ko iyon hindi dahil na-realize kong mahal ko siya kundi dahil napaka-pure niya para saktan ng ganoon. Well, now I'll gamble and I know I'll be able to love him because it's not hard to do it.


"I'm ready to risk it now," I smiled at him too. I saw how he lifted his right hand, like he's trying to reach for my hand but he hesitated and put it down again.


"Thank you, Ari," he said instead.


Natigil ang moment namin nang dumating ang mga pagkain. Naka-order na pala siya para sa aming dalawa bago pa ako dumating at alam niya pa din ang mga paborito kong pagkain.


We started eating, at the same time ay nagkukwentuhan kami. Sa wakas nawala rin sa sistema ko ang awkwardness sa kanya. I feel comfortable now as I watch him listening attentively to what I'm saying.


Kahit tapos na kaming kumain ay mukhang hindi parin kami tapos magkwentuhan. Marami akong nalalaman tungkol sa kanya lalo na ang pagiging comedian niya. Hindi halata sa serious aura niya pero may tinatago pala siyang kalokohan. I laughed at the thought.

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon