Roulette #66

379 12 0
                                    

Chapter 66 

(Face-off)


"Anong aalis? Saan ako pupunta?"


Tanong siya ng tanong kanina pa habang ako naman ang nag-abalang magligpit sa mga gamit niya. Sa ilang araw na pananatili niya rito ay pinabilhan ko siya kina Stefan ng mga damit at personal na gamit. Hindi ko hinayaang agrabyaduhin nila ang kaibigan ko ng tuluyan.


Napakaaga pa ngunit ginising ko na siya. She was clueless when I woke her up this early morning.


"Mag-ayos ka na, sis. Kailangan na nating umalis niyan-"


Pinutol niya ang sinasabi ko.


"Tatakas tayo? Paano, eh ang dami ng tauhan ng Stefan na 'yon?"


Hindi siya mapakali. Talagang sinusundan niya ang direksyon ng mukha ko para lamang tingnan ko siya. She's totally frustrated right now.


Z-in-ipper ko ang duffel bag na naglalaman ng gamit niya. Bumuntong-hininga ako at hinarap siya.


"May deal ako kay Stefan... Pakakawalan ka na niya. Pupunta tayo sa airport ngayon para makauwi ka na."


"Ano?! Paano mo siya napapayag ng gano'n? Ano na namang ginawa mo, Ariadne?!" She's now hysterical.


Napahawak pa siya sa ulo niya sa sobrang stress niya sa akin ngayon.


"Basta ang mahalaga ay uuwi ka na ngayon. May tauhan si Clade na mag-aabang sa'yo doon. 'Wag kang mag-alala. Safe kang uuwi," lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "I'm sorry, sis... Nadamay ka pa sa gulo ng buhay ko."


"Teka nga!" Tinampal niya ang balikat ko at tinulak ako palayo sa kanya. "Ano ngang deal iyon?! For sure may kapalit ang pag-uwi kong ito. Sabihin mo sa akin kung ano!"


Hindi niya talaga binibitawan ang topic na iyan. Muli na lamang akong bumuntong-hininga at umiwas ng tingin.


"Pumayag akong mag-stay dito..."


That's not the entire truth, but at least I did not lie to her. And I don't need to tell her everything naman. This plan should only be known by me.


"Oh my Lord!"


Tumalikod siya sa akin at nag-moment na para bang anak niya ako na nagpabuntis. Dalawang kamay niya ang nakahawak sa kanyang ulo.


Nanahimik lang ako at hinintay siyang maglitanya.


Humarap siya sa akin at nanlilisik ang mga mata niya.


"Tanga ka talaga!"


Hmm, I know that dialogue so well... It's very familiar to me. They are really a good match, huh?

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon